Sunday, September 28, 2014

Tuloy ang Suspension vs. Mangaldan Kap Jojo at Oath Taking ni Kgd. Naomi




Sa Lunes Kahit na may TRO galing kay Judge Samadan



By Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN – Tuloy  na tuloy sa Lunes September 29 ang Oath Taking ni Brgy. Poblacion Kagawad Naomi Fabia bilang kahalili ni Kapitan Joselito “Jojo” Quinto  dahil sa kasong administratibo  na gross misconduct at iba pa.


Mayor Bona Fe de Vera-Parayno

Ani Mayor Bona Fe de Vera-Parayno ang Temporary Restraining Order na nilagdaan ni Judge Marvin Jovito S. Samadan ng Regional Trial Court – Branch 40 sa Dagupan City ay para lang sa Administrative Case No.1-2014 na dinidinig ng Sangguniang Bayan  (SB) dito
Poblacion Brgy. Kap. Jojo Quinto
“Hindi ako kasali sa TRO ng Judge. Ang Local Government Code  (LGC) of 1991 ay nagbibigay sa akin kapangayarihan ng preventive suspension,” tahasang sinabi ni Mayor Parayno.
Sinabi ni Parayno na ito kaagad ang nakita ng abugado niya sa Manila na si Lawyer Mondragon na nagsabi sa kanya na walang sabit siya at si Fabia sa Lunes kay Samadan sa kanyang Contempt Power dahil klaro naman sa Resolution ng judge na ang SB ang na-TRO at hindi siya.
Ang kapangyarihan ng mayor sa Preventive Suspension (PS) ay makikita sa Paragraph (3), Section 63 ng LGC kung saan ay nakasaad:
Section 63. Preventive Suspension. (a) Preventive Suspension may be imposed:
(1)XXXX ; (2) XXXX; (3) By the mayor, if the respondent is an elective official of the barangay”.
Ang TRO ni Judge Samadan noong nakaraang Miyerkules ay nagsasaad :
However, in the interest of justice to the end that undue prejudice and/or injury maybe avoided to all parties affected by this proceedings as well as not to render nugatory and ineffectual the Resolution of this Court of the issues herein presented, let a Temporary Restraining Order be issued to be effective upon service and for a period of twenty (20) days upon receipts. Accordingly, the Respondents, the Sangguniang Bayan of Mangaldan are hereby ordered to cease and desist from conduction further  proceedings in Administrative Case No. 1-2014”.
Ani Samadan na sila Petitioners Quinto at Melinda P. Morillo at Respondents Mayor Parayno, SB, at iba pa ay kailangan mag file simultaneously  10 days magmula September 24 ng kanilang memoranda .

“Therefore unless further clarification is found necessary, the instant petition will be deemed submitted for resolution”.
Si Quinto at si Morillo ay inireklamo ni Mayor Parayno sa Sangguniang Bayan dahil sa illegal exaction sa business permits na kanilang inisyo sa mga taga Barangay Poblacion na gustong magpatayo ng negosyo sa lugar nila.
Si Naomi Fabia ay No. 2 Barangay Kagawad  noong nakalipas na barangay election. Si Morillo ay ang No. 1 kagawad sa Brgy. Poblacion pero dahil siya ay kasali sa asunto at kung siya ay matuloyan dito kasama si Kapitan Quinto ng preventive suspension si Fabia, maybahay ni SB Councilor Alberto Leo Fabia, ang successor in rank para Punong Barangay as mandated ng LGC.

Ayon sa isang legal expert, na ayaw magpakilala, para epektibong madesisyonan na ng SB na tuluyang ma suspend ng six months o matangal sa puwesto si  Quinto at Morillo, si Fabia ay kailangang umupo bilang kahalili ni Quinto sa 60 days na ang huli ay nasa PS.
Ang   preventive suspension ay puweding ipatong ng chief executive ng local government unit sa respondent elective official “after the issues are joined, and when the evidence of guilt is strong, and given the gravity of the offense, there is a great probability that the continuance in office of the respondent could influence the witnesses or pose a threat to the safety and integrity of the records and other evidence (Section 63 (3) (b)…”.
"Hindi parusa o penalty ang preventive decision. Protection lang ito ng gobyerno sa kanyang imbestigasyon. Kung mapapatunayan naman na walang sala ang na preventive suspension, lahat ng compensation at emoluments niya ay ibabalik sa kanya ng gobyerno".
Ayon sa  Paragraph (a) Section 67 ng LGC ang desisyon sa six (6) months suspension (iba ito sa 60 days preventive suspension) kung ito ay magtagumpay kena Jojo at Tonette Morillo, ay puweding i-apela nila ito sa Sangguniang Panlalawigan   sa loob ng 30 days matapos nila ito matangap sa Sangguniang Bayan.

Ayon sa  LGC ang appeal ng mga petitioners ay hindi balakid sa decision ng SB for final and executory para sila ay suspendihin ng six months .
“An appeal shall not prevent a decision from becoming final or executory. The respondent shall be considered as having been placed under preventive suspension during the pendency of an appeal in the event he wins such appeal. In the event the appeal results in an exoneration, he shall be paid his salary and such other emoluments during the pendency of the appeal,” ayon sa Section 68 ng LGC.
Bukod sa preventive suspension na aabot sa 90 days - pag higit sa isa ang grounds  ng disciplinary actions - at/o ang six (6) months na suspension, ang elective government officials tulad nila Kap Jojo at Kgd. Tonette ay puwede ring maalis sa kanilang puwesto sa discretion ng SB.

“An elective local official may be removed from office on the grounds enumerated above (See Section 60 of LGC) by order of the proper court,” ayon sa Local Government Code.

TRO'S RESOLUTION OF JUDGE SAMADAN PROVIDED HERE UNDER:

Sa mga kaibigan nating mga hot shots na broadcasters, manunulat, legal minds, political operators, at political pundits, kasama na rin iyong mga nagdunongdunongan na mga kababayan natin sa Pangasinan, andito sa ilalim ang Resolution ni Judge Samadan. Pag pasensiyahan na lang po ninyo hindi nakayanan ng power ko i-translate sa Pilipino ang decision ni Judge, nasa English po ang text.


No comments:

Post a Comment