Tuesday, February 5, 2013

Tinutuloy ko ang progreso na inumpisahan ng aking ama - Mark



Noong February 4 ay isinalang si Calasiao, Pangasinan Mayor Mark Roy Macanlalay sa pang umagang programa ni TV host Joyce Segui ng GMA-7 Northern Luzon na “Diretesahan”. Naririto sa ilalim ang transcript ng interbyu pagkatapos ma-i-compiled ng administrator ng P’nan Biggest Blog na si Mortz Ortigoza para sa libo-libong taga-subaybay nito kada linggo dito sa loob at labas ng Pilipinas. 

JOYCE SEGUI  : Unang diretsahang tanong mayor, bakit hindi mabitiwan ng Macanlalays ang mayorship sa Calasiao?

MAYOR MARK ROY MACANLALAY : Hindi naman natin sinasabi na hinahawakan natin ng buo ang bayan ng Calasiao dahil ito ay dinadaan natin sa election.
 Pinipresenta lang natin ang ating sarili, ang ating trabaho, at hayaan na lang natin mag desisyon ang buong taong bayan ng Calasiao kung talagang nararapat (kami). At ang sinasabi ng aking ama na nais lamang ituloy iyong naumpisahan (niyang) progreso na ating tinatamasa sa bayan ng Calasiao. Kaya sabi ko nga kung bigla na lang titigil (ako) sa re-election baka magtaka ang ating kababayan na nagtitiwala at nag su-suporta kung bakit hindi na kayo nag kandidato dito.
 Dahil nga ay ating ipagpapatuloy ang mga naumpisahan sa ating progreso na mga proyekto sa bayan ng Calasiao.

 Mayor, hindi ba nagkakaroon ng conflict kasi sa trabaho (niyo) bilang mayor and vice mayor ang iyong ama? Saka sa bahay hindi ba nagkakaroon ng conflict sa mga gawa-in po?
 Nagkaruon na kami ng usapan na sa pamilya siya ang masusunod. Pero sa serbisyo sa bayan sinabi ko na sa aking ama lahat ng decision para sa bayan ay ako ang dapat sundin.

 Marami ang nag-rereklamo sa matagal na problema ng mga tricycle drivers, dahil po sa rehabilitation ng Villamil Bridge. 
Sa ngayon hihingi tayo ng schedule kay (Department of Public Works & Highway) Secretary Rogelio Singson kasama ang Sanggunian Bayan, kasama si Vice Mayor Roy, ang ating concerned barangay mates at ang concerned punong barangay dahil mabagal itong implementasyon nitong construction ng Villamil Bridge. Sa ating pinapangaku-an lalo na sa ating mahal na kababayan.
Itong pag construct ng Villamil Bridge ay under the President’s Bridge Program. Ito ang programa ng national na pamamahalaan kaya tayo ang naririto upang sabihin natin sa ating kalihim na idudulog natin ang problema ng tao dahil hindi lang ang ang mga tricycle ang apektado, ang mga estudyante at mga empleyado na nagtatrabaho. Ang ating producto, ganoon na rin sa ating bayan ng Calasiao.

 Napabalita rin ang (Brgy) Malibago Bridge ang naka-takda na ring i-rehabilitate doble pahirap pa rin kung sakali. Ano ang tugon niyo dito ?
 During our consultation meeting sinabi natin ang stance ng LGU kasama ang mga concerned barangay ay patapusin muna itong Villamil Bridge, dahil tama na itong pabigat.Tama na itong binibigay natin sa ating kababayan kung uumpisahan natin ng isang tulay na hindi pa natatapos.

 Isang pang issue sa Calasiao ang hindi pa matapos-tapos ang ginagawa ng LGU tungkol dito. Meron na bang ginagawa ang LGU tungkol dito? 
 Meron tayong ginagawa dahil kasama ito sa ating mga programa meron na tayo napa-aprobahan na report last year sa Office of the Civil Defense na nagkaroon tayo ng 50-50 na usapan. 50 percent manggagaling sa OCD, 50 percent manggagaling sa local na pamahalaan.
Itong ginagawa natin sa Talibaew-Quesban-Lasip Section kung saan ni ri-rehabilitate natin itong kasama na  dredging pati na rin ang stone ng dike protection ng river bank.
 Pagpapataas ng kalsada ang isang solution? Pero alam naman natin na mas malaki ang pondo ang kailangan noon dahil papata-asan natin ang kalsada se-sementohin din natin iyon. Ito muna ang ating ginagawa para mas mabilis na makalabas ang tubig lalo na sa panahon ng tag-ulan sa bayan ng Calasiao.
Sa pagka-alam ng ating kababayan ang Calasiao is pinaka-mababa na bayan sa Pangasinan.

 Ang Calasiao ay kilala sa kanilang produktong puto, may nagsasabi medyo humihina na daw. Ano po ang masasabi ninyo doon? 
 Ang rason bakit humihina ang pag benta ng ating puto, dahil sa construction ng Villamil Bridge.
 Karamihan kasi ng ating parokyano ay mga bisita at mga biyahiro. Dumadaan sila diyan sa Villamil Bridge.  So ginawa natn nilipat ang Puto Festival para bigyan ng daan at bigyan ng sariling celebrasyon itong Festival para makilala tuloy itong producto na nangyayari pa sa bayan ng Calasiao.

No comments:

Post a Comment