Braganza (L) in a press conference in Dagupan City |
Reprinted from Bombo Radyo News
DAGUPAN CITY - Kinumpirma ni Atty. Abraham Espejo, legal counsel ng mga punong barangay ng Alaminos City, at siya ring tumatayong lead defense counsel ni Pangasinan Gov. Amado T. Espino Jr. ang pagsasampa ng pitong kasong plunder laban kay Alaminos City Mayor Hernani Braganza.
Ayon kay Espejo, ang kaso ay isinampa ng 15 punong barangay sa nasabing lungsod kaugnay sa mga "ghost" gov't projects na umabot umano sa halos P5 billion. Inihalimbawa ni Espejo ang ipinapatayong airport na may pondong P3.9 billion pero walang makikitang kahit isang runway, maging ang hospital at hotel na pinagkagastusan ng malaki pero hindi pa natatapos magpahanggang ngayon.
Ipinagtataka pa nila na karamihan sa mga proyekto ay nai-award sa construction company kung saan ang chief architech ay umano'y brother-in-law ni Braganza.
Kasabay nito nilinaw ng abogado na wala umanong kinalaman si Gov. Espino sa pagsasampa ng kaso laban kay Braganza. Sina Espino at Braganza ay mahigpit na magkatunggali bilang gobernador ng Pangasinan sa 2013 midterm election.
Bilang reaksiyon sinabi naman ni Braganza na hindi pa siya nakakatanggap ng kopya ng reklamo. Gayunman, hindi umano ito kapani-paniwala na kumita siya ng ganoong halaga na umaabot sa P4.7 billion. Giit pa ni Braganza, ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ay desperadong hakbang upang pilit na mawala ang sentro ng iskandalo kay Espino sa isyu ng jueteng.
Kung maaalala una na ring kinasuhan si Espino ng plunder ni Bugallon Mayor Rodrigo Ordona.
No comments:
Post a Comment