Ni Mortz C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan - Nagsama-sama ang mga empleyado ng Kapitolyo kamakailan lang upang makiisa sa pagtatanim ng mas maraming puno na bahagi ng Capitol Redevelopment Project at Green Canopy Program dito at sa labing-isang bayan sa lalawigan.
Ang mga bayan na ito ay ang Binalonan, Burgos, Bolinao, Dasol, Infanta, Asingan, Pozorrubio, Mangatarem, Mabini, Alcala, at Manaoag.
Mahigit 526,000 puno na ang naitanim sa buong lalawigan mula noong 2023,
Karagdagang Nedra shrubs at Dita
trees ang itinanim nila sa Capitol Complex.
Sa kabuuan, higit 200 puno ng Dita, 100 Palawan Cherry, at 100 Banaba ang itatanim para sa redevelopment project.
Kasabay nito, pinag-aaralan din kung anong mga
uri ng puno ang angkop na itanim sa baywalk area.
Sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III, patuloy na isinusulong ang mga proyektong nagbibigay ng balanseng oportunidad para sa redevelopment at pangangalaga sa kalikasan para sa bawat Pangasinense.
Samantala, 1,000 katutubong puno ng Bulong-eta, Talisay, White Lauan, Antipolo, at Narra ang itinanim sa Maples River sa Brgy. Buer, Aguilar bilang bahagi ng Green Canopy Program.
Nakiisa ang mga empleyado ng
Kapitolyo at mga opisyal ng barangay sa pagtatanim ng mga punong may mahalagang
maidudulot sa kalikasan.
Ang Narra at Talisay ay nagbibigay
ng malawak na lilim at tumutulong sa pagpapalamig ng kapaligiran, habang ang
White Lauan, Antipolo, at Bulong-eta ay mga katutubong punong mahalaga sa
pagpapanatili ng biodiversity at tirahan ng iba’t ibang uri ng hayop at
halaman.
Sa pamamagitan ng Green Canopy
Program, mahigit 526,000 puno na ang naitanim sa buong lalawigan mula noong
2023, bilang patuloy na hakbang tungo sa mas luntian, mas ligtas, at mas
matatag na Pangasinan. (With news from the Provincial PIO)
No comments:
Post a Comment