Thursday, January 8, 2026

“Magkaso na Kayo!” ani Mayor Ayoy sa mga Victims

 Pag Naareglo ni Layacan ang 16 Complainants Goodbye na Kayong 10,000 Victims

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Hinikayat ng alkalde dito ang mga higit kumulang 10, 000 na biktima ng Ponzi Scam na magsampa ng kaso para may habol sila sa taong nanloko sa kanila.

SCAM. Joshua Layacan (left) is jailed at Malasiqui Police Station for scamming 10,000 people of San Carlos City and other places. People in the city were up in arms against him and protesting that their more or less  P2 billion of investment in his Ponzi Scheme will be restituted to them.


“At least mag file na kayo ng kaso kaysa makipag areglo siya may habol pa kayo. Masakit man itong isipin na ganito nangyaring ito maraming naapektuhan marami pang nasirang buhay marami pa kasing naloko,” ani Mayor Julier “Ayoy” Resuello noong makapanayam siya ng mga media men sa tanggapan niya dito kamakailan.

Ani ng alkalde na tingnan din ng mga biktima ang “brighter side” ng trahedya na kasalukuyang hinaharap nila.

“Pero let’s look at the brighter side. Sabi ninyo dati sana po nakakulong na ---- andiyan na nakulong na ho! Sana, malaman namin kung nasaan siya – andiyan na po siya sa Malasiqui ang pagkakulong sa kanya o pag surrender sa kanya. Tama lang po na pananagutan niya dahil kailangang mabigyan ng hustisya ang mga taong humihingi. Dapat lang po!” ani Mayor Ayoy sa mga kawalanghiyaan pinagagawa ni   Joshua Layacan  sa mga biktima kung saan naghihimas na siya ng mga malalamig na rehas sa Malasiqui Police Station sa kasong Large Scale Syndicated Estafa o Swindling na walang piyansa.

Napag-alaman na nakakulimbat ng mahigit kumulang P2 billion si Layacan sa mga napaniwala niyang halos 10, 000 katao dito at sa labas ng lungsod na magkakapera sila kada buwan sa negosyo niyang JRL Kwarta Trading Company na may sampung porsiyento interest kada buwan.

Itinangi ni Resuello na meron siyang utang kay Mr. Layacan at pinaunlakan niya ito sa imbitasyon na maging guest and honor speaker siya (Resuello) sa inaugurasyon ng bagong gusali ng nasabing scammer.

“Tapos iyong guest and honor speaker na doon sa building ng guest and honor speaker ako, never po ako umatend doon sa opening ng kanyang negosyo”.

Ani Mayor Ayoy iyong mga ingay sa social media tungkol sa relasyon niya kay Layacan ay gawa-gawa ng mga kalaban niya sa pulitika.

“Kadalasan naman ng mga nagsasabi niyan hindi nga po mga investors ang mga iniisip lang nila ay lituhin ang mga isip ng mga tao”.

Ang kumpanya ni Layacan ay nagsimula late ng 2023 kung saan ang bawat investor ay kailangan magbigay ng P30,000 minimum investments. Sa mga natanggap na mga impormasyon ni Mayor Resuello, merong higit kumulang na P2 billion na nakulimbat ang culprit sa higit kumulang na 10,000 katao dito at sa labas ng lungsod. Ang JRL Company ay pinapatakbo ni Layacan bilang Chief Executive Officer (CEO) at ng mga kasamahan niya na walang registration sa Securities and Exchange Commission kahit na may business permit siya dito.

Noong Mayo 13, 2025 ay ni raid ng police Anti-Cybercrime Group ang gusali dito ng JRL Company sa salang operating an illegal scheme. Dahil sa raid nagtago na si Layacan at di na nakatanggap ang mga investors ng tubo nila kada buwan. Labing anim (16) ang nagkasa ng kasong criminal sa panguno ng JRL Company.

Si Layacan ay nahuli ng kapulisan sa Malasiqui noong Enero 6 sa bisa ng isang warrant of arrest na niisyu ng Regional Trial Court - Branch 77 dito.


No comments:

Post a Comment