Friday, January 9, 2026

Binaha ng mga Tao ang Manaoag

Ni Mortz C. Ortigoza

 MANAOAG, Pangasinan - Dinagsa ng mga pilgrim at mga debuto ang maliit pero first class na bayan na ito noong Linggo (Enero 4, 2026), ayon sa Alkalde dito.


SEA OF HUMANITY. Tens of thousands of Filipino churchgoers flocked to the Minor Basilica of Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag Church in Manaoag, Pangasinan during the end of the Christmas Season, according to Manaoag Mayor Ming Rosario who talks on this phenomenon to reporters.

"Andaming tao dito noong Linggo halos di kami magkandaugaga sa dami nilang dumagsa galing sa mga bakasyon nila sa Ilocos (Region), Baguio City, at mga bayan sa Cordillera (Region)," sinabi ni Mayor Jeremy Agerico "Ming" B. Rosario sa writer na ito.

Aniya malaki ang naitulong ng four lanes bypass road na ginagawa ng provincial government sa ilalim ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III na kumukunekta sa gagawing Intermodal Bus Terminal at sa national highway na kung saan ang huli ay patungong Binalonan at Pozorrubio.

"Doon pumasok ang mga sasakyan ng mga bisita at nakatulong iyon sa kakulangan ng mga paradahan dito," paliwanag ni Rosario tungkol sa bagong four lanes na kalsada.

Bumili ng apat na ektaryang lupain ang Guico Administration sa likod ng Central School para maglagay ng terminal at mawakasan na ang monster traffic dito. Maging linchpin din ito ng lalong pagdami ng mga bumibisita dito.

Kasalukuyang ginawa ng provincial government ang twin buildings na may three-storey, may 36 silid aralan, at may mga palikuran para maumpisahan na ang pagiba sa 10-12 kuwarto ng Central School. Sa gigibaing gusali dito dadaan ang kalsada na kukunekta sa Minor Basilica at sa bagong terminal.

Dagdag pa ni Mayor Ming na bukod sa multi-level na terminal magpapagawa rin ang gobernador ng Jubilee Convention Center.


Aniya, gagawan din ng paraan sa pamamagitan ng Ordinansa ng mga mambabatas dito sa munisipyo kung paano mapapaliitan ang mga parenta ng mga may ari ng parking spaces dito sa mga nagpapark na may ari ng mga sasakyan. Pumapatak sa P70 hanggang P150 ang singilan sa mga parking malapit sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag.

Sinabi ni Mayor Ming na nagpapatayo na ngayon ng 40 rooms hotel ang Top Star Hotel kung saan ang may ari nito ay taga Cabanatuan City na merong tatlong Top Star Hotels na sa Luzon. Ang prestihiyosong The Manaoag Hotel dito ay merong 45-50 rooms.

Hanggang 56,000 – 60,00 kada linggo o 7,600,000 - 8,000, 000 kada taon ang bisita na pumupunta sa bayan na ito para magsimba sa pinakasikat na The Minor Basilica of Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag Church. 

Ang “Blessing Capital” na bayan na ito ay merong 76,606 katao (2024 Population Census), 67.69 km², at 26 na mga barangays.

No comments:

Post a Comment