Sunday, December 14, 2025

Yaman ng P’sinan Pinaigting ng Guico Admin

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

LINGAYEN, Pangasinan --- Sa walong pu't dalawang (82) mga lalawigan sa buong bansa, ang Pangasinan ay hindi magpapahuli sa mga karangalang at record na natanggap niya sa pamahalaang at organisasyong national tulad ng output sa gross domestic product (GDP), yaman sa asset, at  pagigiging kontribyutor sa agriculture, forestry at fishing (AFF)

(File photo): Pangasinan Governor Ramon Guico III (right) and his running mate Vice Governor Mark Ronald Lambino file their certificates of candidacy for their reelection at the provincial election’s office in Dagupan City in October 2024.

Sa Politiko.com na may petsang December 15, 2024, ang lalawigan ay “7th among 82 provinces in terms of its share of the national gross domestic product (GDP), contributing 1.8% to the national economy” para sa taong 2024, ayon sa Commission on Audit (CoA).

Ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA): “The economy of Pangasinan grew by 4.4 percent in 2024. The province’s GDP was valued at PhP 391.62 billion from Php 375.04 billion in 2023. The PPA (power purchase agreement) is a mechanism to compile the Gross Domestic Product (GDP) using the production approach and other economic accounts at the sub-regional level”.

 Fourteenth (14th) na pinakamayaman na lalawigan sa 2023 na mayroong total assets na P18.36 billion, ayon sa COA’s Annual Financial Report on Local Government Units (LGUs).

Habang inaantay pa ngayong taon ang mga datos para 2024 kung nasaan na ang Pangasinan sa yaman kung pagbabatayan ang mga asset nito.

 Third (3rd) largest contributor sa AFF sector, base sa accounting na 3.8% ng total AFF output sa Pilipinas, ani Politiko.com

Sinabi ni Vice Governor Mark Ronald Lambino sa writer na ito na tinitingnan ng pamahalaang lalawigan ang mga iba’t ibang mga asset na gaya ng mga facilities, real estate, services, equipment, at iba pa.

But I think we can even increase that lalo ongoing pa rin iyong pag inventory natin at pag upgrade ng iba po nating facilities palagay ko pati ibang infrastructure po natin so we are targeting to even further update and improve,” paliwanag ng bise gobernador.

Ani Governor Ramon V. Guico III sa writer na ito na sinusuri pa ng provincial government ang mga asset nito dahil mayroong hindi nakapangalan sa pamahalaang panlalawigan.

“Marami diyan ang hindi alam kung kanino may mga vested interest na kamkamin (ang mga ari-arian) kaya hindi maayos iyong mga papeles kaya inaayos namin. Iniimport iyon sa balance sheet at bumili tayo ng additional properties ng probinsya especially real estate doon sa itinatayong mga additional facilities natin like the hospitals,” sinabi ng gobernador.

Aniya under negotiation pa ang pagpapagawa ng warehouse kung saan ilalagay ang rice mill para sa corporate farming program ng provincial government.

No comments:

Post a Comment