Wednesday, December 10, 2025

End ng Decongestion sa Manaoag Malapit Na

 

MAYOR MING THANKS GUV MONMON SA MULTI-LEVEL PARKING

Ni Mortz C. Ortigoza

MANAOAG, Pangasinan – Dahil sa visionary gobernador ng lalawigan, ang perennial na traffic congestion at kakulangan ng parking spaces dito ay matutuldukan na dahil sa intermodal bus terminal.

TERMINAL. Manaoag Mayor Ming Rosario (right bottom) lauds Pangasinan Governor Monmon Guico (left bottom) for the more or less P100 million the provincial government shelled out for the intermodal bus terminal to solve the traffic congestion caused by the pilgrims and visitors who worship at the famous The Minor Basilica of Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag Church (top photo). 

Visionary din si Governor e. Alam mo nakita niya iyan it’s a diversion road iyong highway. Twenty six meters ganoon kalaki. Sa four lanes didiretso ng Pozorubbio, iyang mga pa Baguio-Binalonan papasok at lalabas doon sa Binalonan Airport,” ani Mayor Jeremy Agerico B.  Rosario sa writer na ito sa proyektong inilagak ni Governor Ramon V. Guico III na merong higit kumulang  na P100 million budget.

Talagang madedecongest ang trapiko na matagal ng prublema dito, dagdag pa ng alkalde.

Aniya, bukod sa multi-level na terminal magpapagawa  rin ang gobernador ng Jubilee Convention Center.

Hanggang 56,000 – 60,00 kada linggo o 7,600,000 - 8,000, 000 kada taon ang bisita na pumupunta sa bayan na ito para magsimba sa pinakasikat na The Minor Basilica of Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag Church. 

Ang “Blessing Capital” na bayan na ito ay merong 76,606 katao (2024 Population Census), 67.69 km², at 26 na mga barangays.

Bumili ng apat na ektaryang lupain ang Guico Administration sa likod ng Central School para maglagay ng terminal at mawakasan na ang monster traffic dito. Maging linchpin din ito ng lalong pagdami ng mga bumibisita dito.

Kasalukuyang ginawa ng provincial government ang twin buildings na may three-storey, may 36 silid aralan, at may mga palikuran para maumpisahan na ang pagiba sa 10-12 kuwarto ng Central School. Sa gigibaing gusali dito dadaan ang kalsada na kukunekta sa Minor Basilica at sa bagong terminal.

Ginagawa iyan ni Guv ngayon in fact nag ribbon cutting na kami, nag ground break na kami for the twin-storey building na tig three story 36 classrooms with restrooms para po malipat na iyong ibang classrooms bago nila butasin iyong papuntang highway”.

Walking distance lang para sa mga pilgrms ang terminal patungong simbahan.

Nang malaman ng mga malalaking negosyanteng gaya nila Sta. Lucia Land Inc. home developer, Nepo Mall ng JDN Realty Group na pinangungunahan ni Juan D. Nepomuceno Sons Inc, at Guanzon Groups of Companies na ang bayan na ito ay dadaanan ng San Miguel Corporation owned Pangasinan Link Expressway (PLEX), ang  tatayong inter modal bus terminal, at ang dami ng mga  dumadagsang mga bisita, magpapagawa na rin sila ng mga bagong hotel at kainan dito, ani Rosario.

“Kausap ko si Roger (Guanzon ng Monarch Hotel of Calasiao) “papasyalan ka talaga namin doon. Magtatayo na kami next year”. Kasi may lupain sila after CSI (Mall) main going to Binalonan sa lupain nila Guanzon, “gaground break na kami magtatayo kami ng Pedritos (food chain restaurants)”“.

No comments:

Post a Comment