Sunday, December 21, 2025

Mayamang Binalonan, Mangaldan, Iba Pa


Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Sa kalagitnaan ng pep talk ni Pangasinan Gov. Monmon Guico sa Christmas party ng mga mamahayag na bonggang treat niya noong Disyembre 17 sa provincial owned Capitol Resort Hotel in Lingayen, nasambit ng Chief Executive ang blog kong 101 Talk Radio “HighPondo ng mga Towns, City Isinalang sa Review” na sinulat ko noong Disyembre 18. Ang excerpt niya:

VISIONARY. Visionary leaders in Pangasinan. (Left photo and clockwise) Binalonan young Mayor Ramon Ronald V. Guico IV, Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno, and Governor Ramon V. Guico III.


“Si San Carlos City ay merong proposed budget sa 2026 na P1, 598, 732, 092, si Bayambang ay merong P637, 691, 050, si Lingayen ay may proposed budget na P531, 290, 646, ang Sual ay merong P505, 000, 000, si Basista ay merong proposed budget na P209, 700, 034, at ang Laoac naman ay merong P203, 425, 830. Ayon kay Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan, ang annual appropriation budget ng first class landlocked town sa central Pangasinan ay aabot ng P550 million sa susunod na taon dahil sa mga business taxes na makukuha ng kaban sa mga higanteng korporasyon tulad ng planta ng Ginebra San Miguel, RC Cola, Wilcon, mga solar light industries sa iba’t ibang barangay niya”.

Ani ng gobernador na nakaligtaan kong isulat ang bayan niyang first class town burgeoning Binalonan na pinapamahalaan ng kanyang nakakabatang kapatid na si Mayor Ramon Ronald V. Guico IV.

“Sa blog ni Mortz kanina naisulat niya ang mga budget ng mga bayan sa Pangasinan. Nakalimutan mo Mortz ilagay ang Binalonan,” biglang naalaala niya matapos niyang maekwento sa mga party guests ang mga papel ng mainstream media at mga blogger.

Mahigit P500 million ang budget ng Binalonan sa susunod na taon (2026), ani Gov. Monmon na naging alkalde rin ng bayan -- kung saan nanggaling ang sikat na American novelist, poet, at writer na si Carlos Bulosan -- ng siyam na taon.

Sa Abril 14, 2025 Resolution ng Sangguniang Panlalawigan (S.P) (provincial lawmaking body) inaprubahan nito na “operative in its entirety ang P448,501,896.00 na hinihiling ng Sangguniang Bayan ng Binalonan. Noong Setyembre 8, 2025 inaprubahan din ng provincial lawmakers in its entirety ang P300,000,000.00 na hinihingi ng Binalonan. Suma total meron itong P748, 501, 896 na budget ngayong taon.

Kung ang proposed budget ni Binalonan sa 2026 ay between P500 million to P550 million, ang Mangaldan naman ay may proposed P539, 035, 706 na 2026 budget na inaprubahan ng Sangguninang Bayan nito noong Disyembre 18.

Noong napadaan ako ng nakaraan sa Human Resources Office ng Mangaldan, sinabi sa akin ni Tintin na worker doon na kaya ng coffer ng bayan ibigay ang one-time Service Recognition Incentive (SRI) kahit higit pa sa P20, 000 sa bawat regular at casual na empleyado ng bayan kada Disyembre.

"Kami dito Sir kahit sabihin ni President (Bongbong) Marcos na P25,000 ang SRI kayang ibigay ng LGU (local government unit) namin kasi malaki ang pondo namin,” aniya.

Ang Binalonan, ang maliit na bayan ng Sual, Mangaldan, at Bayambang ay tinataguriang mga mayayaman na munisipyo sa lalawigan dahil miyembro sila ng P500-M Club.

“Alam niyo ba kung saan kinukuha ng Binalonan ang malaking budget niya?” tanong ng gobernador sa mga masasayang mga mamahayag dahil sa mga bonggang panalo nila sa raffle draw at sa mga regalong natanggap nila sa malamig na gabi ng Miyerkules.

University of Eastern Pangasinan” ang aking sagot dahil walang sumagot sa mga kasamahan kong nababalot pa rin ng di maitagong kasiyahan.

 Alam ko ang dahilan bakit merong higanteng budget ang Binalonan dahil naisulat ko rin ito noong 2023 kung saan sinabi  sa akin ni Guv ang mga sources ng bayan noong magkatabi kami sa upuan sa harap ng State of the Municipality Address (SOMA) ni Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno na ginanap sa public plaza doon.

Ito ang excerpt ng blog ko noong Disyembre 14, 2023 na may title naSual, Dagupan, Binalonan P’sinan Richest LGUs on PCI”:

“When this writer asked Governor Ramon “Monmon” Guico, III – the former three-term mayor of Binalonan - during the State of the Municipality Address of the Mayor of Mangaldan if the town’s local El Dorado comes from the business tax of the renowned Japanese owned Sumitomo North Philippines Wiring Systems Corporation, he instead said that it was the University of Eastern Pangasinan (UEP). He cited that the 11,500 population of the college are beneficiaries of the hundreds of millions of pesos yearly from the national government. Binalonan piggy backed on Republic Act 10931 otherwise known as Universal Access to Quality Tertiary Education Act. The law provides that all eligible Filipino students enrolled in courses leading to a bachelor's degree in state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) and technical-vocational schools will be exempted from paying tuition and other school fees. They are also exempted from admission fees and fees for the use of library, laboratory and computers. All of the towns and city above have no tertiary institution like UEP that becomes the goose that lays the golden eggs for Binalonan”.

Ang success story ng UEP ay muling ni emulate ni Guv Monmon through the creation of the provincial government owned Pangasinan Polytechnic College na operational na ngayon sa capital town ng Lingayen. 

More funds for the Capitol! Anong say niyo mga Pangasinenses sa visionary leader natin?

No comments:

Post a Comment