Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
PASAY CITY – Nakita ng gobernador ng Pangasinan ang kahalagaan ng Agno River na isa sa mga sagot para mapagaan ang kasalukuyang monster na trapiko sa mga mananakay sa highway ng Binmaley, Pangasinan patungong Bayambang, Pangasinan.
|
Pangasinan
Gov. Ramon “Monmon” Guico III (left photo) and former Pangasinan Fourth
District Cong. Christopher “Toff” de Venecia. |
“Alam mo iyong Agno and Lingayen pag na dredge iyon hanggang Bayambang iyong pwede ka na mag ano ng river ferry kasi ang traffic sa Binmaley, e,” ani Pangasinan Governor Ramon V. Guico III sa panayam ng mga mamahayag sa kanya noong dumalo siya sa International Food Exhibition (IFEX) 2025 sa World Trade Center dito ilang mga buwan na ang nakalipas.
Ang Agno
River ay sumasalo sa mga tubig na nanggagaling sa kabundukan ng Cordillera
Region at dumadaloy sa mga bayan at lungsod sa lalawigan gaya ng San Manuel,
San Nicolas, Santa Maria, Asingan, Villasis, Rosales, Santo Tomas, Alcala,
Bautista, Bayambang, Mangatarem, Urbiztondo, San Carlos City, Aguilar,
Bugallon, at Lingayen at lalabas sa Lingayen Gulf.
Ang
formula ni Guico ay malaking solusyon sa matagal na na prublemang trapiko kung
saan umaabot ng dalawang oras ang biyaheng 14.7 kilometrong Lingayen hanggang
Dagupan City dahil sa masikip na 1.3 kilometro na kalsada sa Barangay
Nansangaan (harap ng Sigay Fiestahan) papunta sa Barangay Manat in Binmaley.
Aniya ang alternatibong kalsada papuntang Bayambang galing sa Lingayen ay ang Romulo Highway kung saan pwedeng dumadaan ang mga mananakay at mga vehicle owners via Aguilar at San Carlos City o Mangatarem at Urbiztondo.
|
First
introduced in the 1990’s, the Pasig River Ferry Service aimed to provide a
convenient alternative mode of transportation for the commuters in Metro
Manila. |
“Oo iyon lang ang kalsada doon unless
iikot ka pa dito sa Romulo Highway saka mag Urbiztondo ka”.
Dati rati
ang biyaheng Lingayen hanggang Dagupan City ay makukuha lang ng 45 minuto ng
mga pampasaherong sasakyan pag walang trapiko.
Plano ni
Governor Guico na maglagay ng “small ferry boat” kung saan may dalawang
estasyon sa magkabilang panig ng pampang ng ilog.
“Oo nakikita ko na we dredge the Limahong
Channel --- ferry boat lang. May kaunting istasyon dito baba-sakay”.
Ka tandem ni
Governor Guico si dating Pangasinan Fourth District Cong. Christopher “Toff” de
Venecia sa “Solomonic Solution” na ito sa pagtuldok ng trapiko sa Binmaley
area. Noong Disyembre 20, 2024 pinangunahan ng dating kongresista ang ground
breaking ng 411. 150 meters million Calmay-Carael Bridge sa Dagupan City. Ang
P1.8375 billion na tulay na papalit sa nasirang American Era Franklin Bridge ay
matatapos sa 2026.
Ang tulay na ito ay kukunekta sa Barangays Calmay at Carael sa Dagupan City at dudugtong sa apat na lane at six–kilometer P2.5 billion Lingayen-Binmaley Diversion Highway na may apat na tulay na kukunekta sa Barangay Biec, Binmaley.
Dahil sa
bagong Calmay Bridge, ang mala kalbaryong biyahi mula Lingayen hanggang Dagupan
ay magpapadali sa mga pampublikong sasakyan ng 20 minuto na lang.
Ang unang P132 million na pondo dito ay ni-lobby sa national government ni dating Cong. De Venecia at ang P2.5 billion ay ni lobby para sa Department of Public Works & Highway ni dating 2nd District Cong. Leopoldo Batoil.
|
The new
Calmay Bridge will connect Downtown Area in Dagupan City to adjacent Binmaley’s
town through Barangay Calmay of the city all the way to southern Lingayen. |
FERRY BOAT SA LINGAYEN,
LA UNION VICE VERSA
Napag-usapan
din ng gobernador at mga mamahayag dito ang plano niya at La Union Governor Mario
Eduardo Ortega na maglagay ng ferry boat na merong 25 to 100 seats na babiyahe mag
mula Lingayen hanggang San Fernando City, La Union at pabalik.
“Regulated
ng Marina (Maritime Industry Authority) iyan. We invite operators. Oo matagal
na iyan e di gawin natin napakasimple’ iyan. I talked with La Union Governor
Mario Ortega excited siya. Kukunek natin iyan. We start from small boat muna siguro”.
No comments:
Post a Comment