Wednesday, December 17, 2025

Huge Pondo ng mga Towns, City Isinalang sa Review

 Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

LINGAYEN, Pangasinan – Sa nakaraang sesyun ng Sangguniang Panlalawigan nakalagay sa
kanilang Order of Business ang mga proposed resolutions ng mga bayan at lungsod sa Pangasinan.

CHIEF EXECUTIVES in Pangasinan whose local government units have a spike of their annual appropriation budget for calendar year 2026. (Top left photo clockwise) San Carlos City Mayor Julier Resuello, Sta. Barbara Mayor Carlito Zaplan, Bayambang Mayor Mary Clare Judith Phyllis "Niña" Atienza Jose-Quiambao, Sual Mayor Liseldo Calugay, and Lingayen Mayor Josefina V. Castañeda.

Si San Carlos City ay merong proposed budget sa 2026 na P1, 598, 732, 092, si Bayambang ay merong P637, 691, 050, si Lingayen ay may proposed budget na P531, 290, 646, ang Sual ay merong P505, 000, 000, si Basista ay merong proposed budget na P209, 700, 034, at ang Laoac  naman ay merong P203, 425, 830.

Ayon sa Local Government Code of the Philippines: “The Sangguniang Panlalawigan “(r) eview all ordinances approved by the sanggunians of component cities and municipalities and executive orders issued by the mayors of said component units to determine whether these are within the scope of the prescribed powers of the sanggunian and of the mayor;” (Article III Section 468 subparagraph (i))

Ayon kay Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan, ang annual appropriation budget ng first class landlocked town sa central Pangasinan ay aabot ng P550 million sa susunod na taon dahil sa mga business taxes na makukuha ng kaban sa mga higanteng korporasyon tulad ng planta ng Ginebra San Miguel, RC Cola, Wilcon, mga solar light industries sa iba’t ibang barangay niya.

“Pinakamalaki ang Ginebra P21 million, RC Cola P6 million, iyong ten hectares na solar sa (Barangay) Erfe P5 million, aniya sa writer na ito.

Dagdag pa ng beteranong alkalde na nagbukas na noong Nobyembre 30 ang isang branch ng multinational fast-food chain McDonald's sa gilid ng national highway malapit sa modernong munisipyo nito.

Aniya ang karibal nitong Jollibee ay gusto na ring pumasok sa bayan niya.

No comments:

Post a Comment