Sunday, May 9, 2021

Oposisyon sa SB dahilan hinde umuusad mga projekto sa Aguilar – Mayor

By Mortz C. Ortigoza

AGUILAR, Pangasinan – Kaya napapag-iwanan sa asenso ang bayan na ito dahil ang karamihan sa miyembro ng Sangguniang Bayan ay ayaw suportahan ang mga proyektong makakatulong sana sa ikakaunlad ng mga tao dito.

Ayon kay Mayor Roldan Sagles kontrolado ng mga alyado ng dating Mayors Eduardo Ballesteros at Ricardo Evangelista kaya may schism o pagkahati ang lehislatura at ehekutibo.

Ang political landscape sa SB ay dalawa lang sa siyam na mambabatas ang kasangga ng alkalde.

POLITICAL SPOUSES. Aguilar, Pangasinan Mayor Roldan Sagles and wife Inovilla M.Sagles. 

Iyong five kay Ballesteros, iyong two kay Evangelista,’ ani ng mayor sa newspaper na ito.

Si (Kristal Soriano) Ballesteros (Patrido Demokratiko Pilipino- Lakas ng Bayan, anak ng dating mayor-Balesteros, (Delfin), Dumlao (PDP), silang lima,” ang mga oposisyon sa bayan na ito dagdag ni Sagles na matagal rin naging vice mayor dito.

Noong May 19, 2019 Election, si Sagles (Nationalist People’s Coalition 6,718 votes) ay nakipagbuno sa apat na katungali niya sa mayorship na sina (Betty Ballesteros (PDP asawa ni dating mayor Ballesteros na nakakuha ng 6,501 votes), (Alberto Zamuco Independent 4,531 votes), Ex -Mayor Ricardo Evangelista (National Unity Party 3,662 votes), at Eduardo Queroda (Independent, 252 votes).

Ayon sa April 19, 2021 data ng Commission on Election itong central Pangasinan na bayan ay may 27, 497 voters at may populasyon na 41,463 ayon sa 2015 census ng National Statistics Office.

Ang Aguilar – isa sa pinakamahirap na bayan sa Pangasinan – ay pinagsisikapan ng butihing Mayor Sagles na mapaunlad sa mga iba’t ibang proyektong gusto niyang matamasa ng mga tao dito pero isang taon na lang bago matapos ang tatlong taon sa first term niya hirap pa rin siya na pakiusapan ang mga mambabatas na bigyan siya ng Resolutions para mailabas na ang pera sa kaban pantustos sa mga nakahilirang proyekto at makuha na sa national government sa Maynila ang pondo para sa ibang imprastraktura

Ang mga proyektong na natitingga at na-aprobahan ay ang P10 million park from Budget and Management  Secretary Wendell Abisado ay solar street lights, P3 million Corona Virus |Disease-19 (COVID) building and filling, road lines, multi-cabs, P30 million evacuation center in Barangay Buer, purchase of a P3 million worth dump truck

Ano naman ang mga projects ninyo na bina-block ng Sanggunian dito?,’tanong ng writer na ito.

Iyong solar street lights,’ sagot ni mayor.

Iyong ibang projects na pinapahirapan nila na magawa ni Sagles ay ang COVID building at dump truck pang karga ng basura galing sa dapat na pa repair ng P3 million na backhoe.

Dinivert ko sa malaking dump truck para sa garbage truck. Hanggang ngayon wala pa,” ika ni Mayor noong nakapanayam siya ng newspaper na ito noong February 4, 2021.

Ayon sa alkalde ang mga multi cabs ay ebi-bid na sa Third Quarter (of this year) at sa regional (office) iyong mga evacuation center.

Dahil sa schism at dereliction of duties ng mga Councilors, ani Sagles mag susumbong na lang siya sa Barangay Assembly sa hinaing niya laban sa mga taga SB.

Ayon sa Local Government Code of the Philippines ang Barangay Assembly ay may power to... (a) Initiate legislative processes by recommending to the Sangguniang Barangay the adoption of measures for the welfare of the Barangay and the city or municipality concerned; (b) Decide on the adoption of initiative as a legal process whereby the registered voters of the Barangay may directly propose, enact, or amend any ordinance; and (c) Hear and pass upon the semestral report of the Sangguniang Barangay concerning its activities and finances (Section 398).

Ayon sa source ng diyaryong ito, may possibilidad na sa darating na May 9, 2022 election si Kagawad  Inovilla M. Sagles, may bahay ng alkalde, ay tumakbong mayor at si Sagles naman ay baba para sa pagka vice mayor.

READ MY OTHER BLOG/COLUMN:

JuetengBag Man Outsmarts Lawyer-Mayor from U.P

No comments:

Post a Comment