By Mortz C. Ortigoza
Ayon sa Political Operator na kausap ko, ang isang tumatakbong Congressman na bibili ng boto para manalo ay kailangan lamang niya ng 85% ng registered voters sa isang distrito.
Halimbawa: Kung ang botante sa isang Congressional District ay may 266,894 voters - from the 85% of 313,994 voters, kung tig P1,000 ang pakurong (o gapangan in the eve of the May 9, 2022 National and Local Election) ang isang congressional candidate na gaya ng halimbawa ko sa itaas ay kailangan gumastos ng P266, 894,000 o P133,447,000 pag ang bigayan ay P500 kada tao.
Usually
80% to 85% lang ang bumuto, ani ng source ko na ayaw magpakilala.
“Except sa isang disrict, karamihan sa mga districts ay isang wave lang ang bilihan ng boto,” ika niya noong sinabi ko na sa isang siyudad sa Pangasinan isang buwan bago mag election, namimigay na ng isang sakong premium na bigas na 25 kilos, 30 canned goods kung saan 10 ang corned beef, noodles, mga 3-in-1 na kape, at iba pa. Isang linggo mag election ang nasabing kandidato ay ni meeting ang mga taga barangays at kasama ang congressional candidate, vice mayor bet niya, at sila ay namigay ng tag P300, P500, P500, respectively na naka sobre kasama ang mga decals o papelitos nila sa mga tuwang tuwang na bawat isang bobotante na taga village.
Noong pakurong o gapangan na, ang bigayan sa mga nakalista na botante ay P2,500. Ang kuwenta ko mga halos P5,000 ang ginastos ng tumatakbong mayor na ito o half-a billion sa 85% na mga registered voters sa puwesto na nagbibigay lamang ng more than P100,000 anak ng bakang dalaga kada buwan sa tatlong taong term of office.
Ang kalaban niya ay libo-libo rin ang ginastos kaya sobrang tuwa ng mga tao na iyong iba na nakaregister sa ibang bayan na meron ding bahay sa siyudad na ito ay nagpapa register na ngayong taon bago maabutan ng six months prohibition ng Commission on Election (Comelec).
“Ala ey kadaming pera naman ere saan galing ang mga iyan?” tanong ng kaibigan kung Batangueno.
Wika ko sa kanya ang iba may mga milyon at bilyon na yaman na, iyong ibang kandidato – na karamihan sa mga tumakbo - galing sa dugas at nakaw sa kaban ng bayan ang pinagtutustos sa election.
Kaya pag ikaw ay incumbent na Congressman o Mayor at ikaw ay natalo sa eleksiyon – Diyos ko po, nakakahiya!
Bakit? Iyong kalaban mo kung sa boxing pa ay challenger iyong pinagtatapon niyang pera ay galing sa bulsa niya. Ikaw na incumbent ang ginagamit mo ay ang perang binahagi ng gobyerno sa mga social services at public relation offices mo hinde pa kasali diyan iyong 20 percent na tong -pats o S.O.P mo na dahilan na tinawag kang Korean ng mga contractors ng government projects.
“Magkano Korean este ko riyan,? Tanong ng isang nakaupong elective official sa contractor na gumagawa ng substandard at baku- bakong kalsada sa isang congressional distrit sa Central Pangasinan.
“Maganda dito libo-libo ang makakuha mo sa dalawang kandidato hinde gaya sa bayan namin timba at may lamang isang kilong karne galing sa mga mapera na tumatakbong Councilor at isang libo lang sa tumatakbong mayor,” sabi ng kilala ko.
“Iba kasi ang waves sa siyudad maliit ang area madaling e mobilize ang tao. Sa congressional district malawak kasi marami siyang sakop na bayan may siyudad pa,” ika ng Operator na nagsasabi na typical one wave lang ang vote buying na puwede sa congresisonal election.
***
Sa May 2022 election dito natin malalaman kung ang talino at performances ay wala ng silbe dahil karamihan sa mga Filipino ang iboboto ay ang mga galanteng nagbibigay ng maraming datung.
Noong 2016 election nangyari iyan sa isang kandidato, hundreds of millions ang ginastos niya isang taon bago mag election. Isang linggo bago mag botohan nagipit na siya ng pera. Ang kalaban na beterano - na patawatawa lang habang nagtatapon kaliwa’t kanan ang unang kalaban - ay gumastos sa bilihan ng boto a week bago mag election. Nanalo siya.
“Tama iyan. Ang mga botante kasi matatandaan ka nila kung binigyan mo sila kahapon o noong makalawa. Kahit P300 lang ibinigay mo at iyong kalaban mo nagbigay ng P500 noong nakaraan buwan ikaw na P300 ang iboboto nila,” isang beteranong mayor sa Central Pangasinan ang nagsabi sa akin sa Art of Vote Buying kung saan umiiral ang retentive memory ng voter sa giver.
READ MY OTHER BLOG:
HowMayor, Guv, Solon Steal to Fund Their Election
(You
can read my selected columns at http://mortzortigoza.blogspot.com and
articles at Pangasinan News Aro. You can send comments too at
totomortz@yahoo.com)
No comments:
Post a Comment