Tuesday, May 18, 2021

High Stake ang 2022 Pres. Poll, Duterte Makikialam sa P’sinan Politics

By Mortz C. Ortigoza

Ang presidential election sa susunod na taon ay high stake na parang life and death endeavor kay President Rodrigo Duterte. Sa election na ito dapat manalo ang kanyang heir apparent na anak na si Davao City Mayor Sara Duterte otherwise katakutakot na demandang non-bailable na murder cases ang sasalagin ng Pangulo at kanyang mga kasamahan. Ito ay may relasyon sa kanyang vaunted Tokhang o Anti-Illegal Drug Campaign kung saan libu-libong Filipinos ang namatay at maraming naniniwala na ito ay dahil sa utos ng Presidente.

Kahit na leading si Sara ng isang milya (24% voting) kay presidential wannabes Bongbong Marcos (13%) Senators Grace Poe at Manila Mayor Isko Moreno (12% each tied) sa latest ng polls ng Pulse Asia hinde puweding magkalmante si Pangulong Duterte dahil pag lumabas na ang mga demolition jobs gaya noong ginawa ng mga kalaban kay perennial surveys’ leader Jojo Binay na matapos siya ratratin ng paninira ng mga gustong mag presidente siya ay pinulot sa kangkungan na kulilat matapos ang 2016 Presidential Election.

HIGH STAKE 2022 ELECTION that President Rodrigo Duterte wants to see his daughter Davao City Mayor Sara Duterte (top photo) wins against the likes of Senator Grace Poe and Manila Mayor Isko Moreno. Other photos below clockwise: Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) and Presidential Adviser for Northern Luzon  Secretary Raul Lambino and Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino, III.


Dahil
high stake itong national election, magiging high stake din ang interference ng Malacanang. Sa GUT FEEL ko, kasama ang sampung pinakamalaking vote rich provinces sa Pinas ang pakikialaman ng Power-that-be by the Pasig River. Ang Pangasinan ay may 1,946, 564 o almost 2 million voters (Comelec April 19, 2021) sa 58 million registered voting population ng Pilipinas (Comelec January 2021).

Ang may top 10 provinces out of 81 provinces na may pinakamalaking voters sa Pinas na puweding gamitan ng pressure ng Malacanang ay ang Cebu, Cavite, Pangasinan, Laguna, Negros Occidental , Bulacan, Batangas, Rizal, Iloilo, and Nueva Ecija.

Kailangan maging solido ang isang probinsiya para sa pagpapanalo kay Sara.

Kaya hinde maganda sa mata ng Malacanang pag naikasa na nila ang “at all cost Sara wins” sa mga ipinangangandalakan ng United Lights of Pangasinan (Ulopan) opposition composed ng grupo ni  Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) and Presidential Adviser for Northern Luzon Secretary Raul Lambino, Abono Partylist Cong. Conrad Estrella, Fifth District Cong. Mon-Mon Guico, Bayambang Mayor Cezar Quiambao former Congressmen Mark Cojuangco and Art Celeste na kung saan mainit nilang  ikinakasa nila ang kanilang malakas na slate na magpapasakit ng ulo sa juggernaut political family ng Espino.

Nadinig ko sa isang kaibigan ng Opposition na ipinaplastada na nila ang Lambino for governor; Celeste, Cojuangco, Rachel Arenas, Toff de Venecia, at Guico sa Kongreso sa First, Second, Third, Fourth, at Fifth Districts respectively.

So ang Mon-Mon Guico for governor ay legerdemain (mahika) lamang ng Opposition na kunwari cancels na ang moist eye ng pamilya Lambino sa Fourth District ni Cong. Toff  para suportahan ng De Venecia si Guico?

Kung ako sa mga Espino ako’y mag la-lobby sa Malacanang at Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan - kung saan si President Duterte ay presidente at si Senator Manny Pacquiao ang chairperson - na tuluyang sirain na itong mga panaginip ng Ulopan para sa ikakabuti ni Inday Sara.

Ganito ang puweding maging script ng Palasyo: Kung hahayaan ninyong matuloy itong dream team ng mga milyonaryo at bilyonaryong na mga taga Opposition sa Pangasinan sa May 9, 2022 Local and National Election kakalas kami sa PDP at sasali kami sa partido nina Grace Poe, BongBong Marcos, Isko Moreno o Poe for president  and Moreno as tandem for vice president.

Kung ikaw si Duterte, oo ikaw itong nagbabasa ng blog kasalukuyan, papayag ka ba na ang bata mong si Presidential Adviser for Northern Luzon Lambino ang opposition gubernatorial bet habang na ku krompomiso ang solidong boto sana na almost 2 million pandagdag sa pagkapanalo ni Sara at iwas kalaboso ang matandang Duterte at sina General Bato dela Rosa et alia?

Hinde papayag ang Malacanang ng ganito. Sa kanya dapat No Contest ang Pangasinan sa governorship at sa mga ibang congressional seats.

Kayang pagkukuwelyuhan ng Malacanang ang mga nag uumpugang pulitiko sa dating citadel ni Warrior Princess Urduja sa Northern Luzon.

Si Raul Lambino ay ilagay sa ayos at pagsabihan na huwag na manggulo dahil e-re-retain siya sa powerful niyang CEZA’s post pag si Sara na ang presidente. Tawag diyan quid pro quo o leverage.

Kung matigas din ang mga Espino at gustong labanan si Lambino at si Pangasinan First District Congressman Arnold Celeste at Fifth District Rep. Mon-Mon Guico, may panakot ang Malacanang. Stopped all the projects, upon their refusal from the offer of the Palace, up to the end of the term of Congressional Jumel Espino in noon of June 31,2020. Malaking mawawala diyan na bala sa eleksiyon. Ayaw ng mga congressmen iyan na mangyari.

You cannot fight City Hall, er, Malacanang especially if the occupant there carry carrot (Pork Barrel) and stick (pamalo).

Parang si U.S President Theodore Roseevelt threatening with his Big Stick Diplomacy ang mga recalcitrant countries na pag ayaw sumunod sa kanya andiyan iyong powerful U.S Navy na kayang bumbahin ang mga bansa nila at agawin sa kanila ang bahagi ng teritoryo nila gaya ng pagkuha ng Panama who revolted against Colombia in November 3, 1903 dahil masyadong malaki ang hinihingi ng huli na payment sa Panama Canal.

Nakikinita ko na itong mga tsumutsubibong pulitiko na binigkas ko sa itaas ay titiklop at magiging boring ang provincial at congressional election to some districts sa Pangasinan.

Ang magiging masaya dito ay mga botante sa Second District. Si Billionaire Mark Cojuangco dahil walang pang quid pro quo o pressure ang Malacanang sa kanya. With Tongs and Hammer si Mark C., eredero ni Business Tycoon Danding Cojuangco, ay makikipagbuno kay District Congressman Jumel Espino para maipaghiganti ang pagkatalo niya sa governorship sa kuya ni Jumel na si Pogi at sa asawa niyang Congresswoman Kimi Cojuangco na tinalo ni former Congressman Amado Espino, Jr. kung saan ang huli ay lumipat ng distrito from Second District to the Fifth District para lumpuhin lang ang mga Cojuangcos. Ginagaya ngayon iyan ni Mark C. sa paglipat din ng Distrito noong mag parehistro siya as voter sa Lingayen noong April 21 na na scoop ng blog na ito with matching photo.

READ MY OTHER BLOG:

Award those Reporters who Passionately Support our Troops

(You can read my selected columns at http://mortzortigoza.blogspot.com and articles at Pangasinan News Aro. You can send comments too at totomortzmarcelo@gmail.com)

No comments:

Post a Comment