BY PAQS BASILA
Sa FB may mga post, na wala lang.
Throwback Drama ni Tim, di kinagat!
Ang siste, sila biyenan at Kuya kasi ang starring. Grabbing nga ba si Tim?
Ang siste, sila biyenan at Kuya kasi ang starring. Grabbing nga ba si Tim?
Kinalkal ang noon ay bridge making istorya sa
island-town of ANDA, abay! gusto alalahanin pa ang P80M daw na project, eh sino
raw ang kumita? Sino nga ba?
Sige nga, ilabas ang dirty-linen sa inaamag na baul.
*****
SA FB pa rin, bawat kibot ay pino-post.
SA FB pa rin, bawat kibot ay pino-post.
Pati, ang “May I” na mga eksena ng mga polpol ay
ipinaglalandakan pa. Ang siste, imbes na marami ang like ay shaking-heads ang
madalas na sukli. Asus, iilan lang na ‘Wondering Joe’ ang kaharap at eksena de
payabang ni Wannabe.
Buti pa daw ay i-post ang inyong mga ‘promise me’ na
plataporma de gobyerno para daw maunawaan na kung nararapat kayo. Hmp! Meron
nga ba?
Sige nga, ilabas ang plataporma hindi ang
pulos-porma.
*****
Share Blessings, meron ka ba nito?
UMAATIKABO raw sa ngayon ang open-alms na matching with joker-smile na nasisilayan sa mga ‘wannabes’ at ‘sige pa, please’ na mga tatampisaw sa halalan Mayo 13, 2019.
SUSME, parang kabote sa panahon ng tag-ulan o mula
sa mga culturing plots ang pagdami ng mga daw at kuno na lupon, samahan, grupo,
NGOs kuno, POs daw din at ilan pang entreprenuring individuals. Well,
bukas-palad nga naman ngayon sila wannabes, kaya samantalahin (?)(?)!
Sige nga, ilabas ngayon ang ‘share-blessings’ na
huwego ninyo.
***
Kambyo-kambyo, wag itodo!
MAS NARARAMDAMAN daw kung dahan-dahan at
paminsan-minsan ang kambyo-hinto sandali.
ASUS, mga isinasagawang pagbubuyangyang sa halos
lahat yata ng umpokan, kwentuhan, pagtitipon, party, fiesta, lamayan at kahit
pa tsismisan lang ay bigyan ng kambyo kung kinakailangan. Sabi nga, wag itodo
ang pagbibida mga wannabes dahil mahigit sa limang-buwan ang tatahakin comes
Mayo 13, 2019 midterm elections. Ang mapurnada sa last two-weeks at sa last
two-days before the ‘vote kita’ period ay talo ka. Remember, Mark Cojuangco
fate noong 2016 elections, ay na-last two-weeks kaput na resources – kaya
no-winner siya.
Sige nga, ilabas ang diskarte, kambyo-kambyo when needed
to do so, wag itodo!
No comments:
Post a Comment