SUAL, Pangasinan – Noong una, walang water
pollution. Ngayon naman, walang air pollution.
Ito ang lumabasa sa pagsusuri ng AECOM
PHILIPPINES, Incorporated, isang
kilalang international research at consultancy
firm.
Ang pagsusuri ay batay sa pamantayan ng
Department of Environment and Natural Resources at isinagawa ng naturang kompanya kamakailan sa bayan ng Sual kaugnay sa
operation ng Sual Coal-Fired Power Plant.
.
Isinagawa ng AECOM Philippines ang pagsusuri
sa labing-isang tinatawag na critical receptor sites sa iba’t ibang lugar sa
bayan dito.
Ito
ay nababatay Administrative Order No.
2000-81 Air Standards and Guidelines ng Department of Environment and Natural
Resources at ng National Pollution Commission na nagpapatupad sa National Ambient
Air Quality Standards.
Ang
mga kinuhang samplings ay ang Total
Suspended Particles (TSP), Particulate Matters (PM), Gaseous Pollutants tulad
ng Nitrogen Di0xide at Sulfur Dioxide at Coarse Particulate.
Ang mga naturang samplings ay nakukuha sa
pagsusunog ng fossil fuel tulad ng coal, fuel oil, diesel at gasoline, at mga
iba’t ibang uri ng alikabok na sumasama sa hangin.
Kabilang sa mga monitoring areas ay Sitio
Longos sa barangay Pangascasan, Resettlement Area sa Poblacion, Pangascasan
Integrated School, Ash Disposal Area ng power plant, Bangayao Point, Cabalitian
Pier, Cabalitian Amianan, Masamerey, Baybay Elementary School, Napo-Logolog
Elementary School, at Baybay Sur.
Ito ang resulta ng naturang pagsusuri ng
AECOM Philippines sa air quality monitoring sa bayan dito:
“All stations are within the standards set by
Department Administrative Order No. 2000-81 or the National Ambient Air Quality
Standards, and in terms of Total Suspended Particles concentration, the air
quality in the ambient air quality monitoring stations is good based on DAO
2000-81.”
Sinabi ni Mayor Roberto Arcinue na magandang
balita ito sa mga mamamayan ng Sual dahil naayon ito sa planong pagpapatayo ng
pangalawang coal-fired power plant sa naturang bayan.
Ang second power plant ay magbibigay ng
mahigit isang libong trabaho sa mga mamamayan at humigit-kumulang sa
walong-daang milyong peso na real property property tax para sa probinsiya,
bayan dito at barangay Baquioen na kung saan balak ipapatayo ang nasabing
planta ng kuryente.
Ito
ay gagamitan ng pinaka-modernong technology na kung tawagin ay ultra-super
critical coal-fired power plant na tinaguriang “High Efficiency Low Emission
(HELE) Technology” at “green
technology”.
Ito
ay may kakayahang bawasan ang greenhouse gas emission ng 45 percent. ###
No comments:
Post a Comment