Ni AKONG MATYAG
SUAL, Pangasinan West – ISINAGAWA kamakailan ang ground-breaking ceremony para sa P3.5 M na 2-storey na gusali na magsisilbing City Envrironment and Natural Resources Office o CENRO, sa isang patag na parte ng kabundukan na malapit sa zigzag road na sakop ng barangay Poblacion dito.

Workaholic Sual Mayor Rodrigo "Bing" Arcinue (5th from left) and officials and personnel of the City Environment and Natural Resources (CENTRO) and local government unit of Sual, Pangasinan during the ground breaking of the P3.5 million edifice. TEXT: Mortz C. Ortigoza |
INISYATIBO ni Congressman Jesus ‘Boying’ Celeste ang paglalaan ng pondo para sa katuparan sa kahilingan ni CENRO Officer Mel Gonzales na ilalapit ang tanggapan sa mga kliyente, maliban pa sa maging angkop na lunan ng DENR office sa distrito.
PINANGUNAHAN nina Mayor Roberto ‘Bing’ Llamas Arcinue – ang alkalde dito at CENRO Mel Gonzales ang ritwal ng ground-breaking na sinaluhan pa ng pagtatanim ng punla ng mga puno sa kapaligiran na bahagi ng lugar na pagpapatayuan ng nasabing gusali.
DINALUHAN ang payak man pero tigib sa saya na okasyon nina dating Mayor John Rodney Ventinilla Arcinue at mga department at section heads ng lokal na pamahalaan dito, kasama ang mga opisyales at kawani ng CENRO Alaminos City at ilan pang. (Akong Matyag)
No comments:
Post a Comment