Tinaguriang
“The New Bangus Capital of the Philippines” ang bayan ng Sual dahil ito ngayon
ang top producer ng bangus sa bansa.
Sa
kasalukuyan ay mayroong 750 fish cages sa Sual Mariculture Zone at kada taon ay
mayroong humigit kumulang sa 50 million pirasong bangus o 25,000 metric tons na
bangus na inaani sa naturang bayan.
Ayon
sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources,
ang bayan ng Sual ay nakakatulong ng malaki sa food security program ng
bansa, lalo na sa Metro Manila sapagkat natutugonan nito ang 32 percent na
pangangailangan sa supply ng bangus.
FISHCAGES abound in the flourishing town of
Sual, Pangasinan.
Ipinagmamalaki
din ng Sual na ang kanilang bangus ay export-quality at paborito na rin sa
Hawaii at iba pang parte ng daigdig. Ang dahilan ay ang malinis na karagatan sa
bayan ng Sual.
Nagagalak
na ikinuwento ni Mayor Bing Arcinue na sa Estados Unidos kung saan ibinibenta
na rin ang bangus ng Sual, ay may “tag”
pa ang mga bangus doon na “SUAL, PANGASINAN.”
“May sariling identity ang aming mga bangus.
Basta nakita ng mga mamimili sa ibang bansa na may tatak na “SUAL, PANGASINAN”
ang mga bangus ay segurado silang malinis at masarap, tama sa timbang, malaman
at masarap,” sabi ng alkalde.
Maging
sa ibang parte ng Pilipinas ay alam na alam nila kung ang bangus ay galing sa
Sual sapakat mas makikintab ang mga kaliskis nito at talaga namang mas maganda
ang sukat at timbang ng mga ito, dagdag pa ni Mayor Arcinue.
Sinabi
pa ng mayor na nakikipagtulungan ang kanyang tanggapan sa municipal agriculture
office at ang municipal environment office upang seguraduhin na
napapapanatiling malinis ang kanilang karagatan.
Ang
mataas na kalidad ng bangus mula sa bayan ng Sual ay patunay lamang na walang
nagaganap na pollution mula nang itinayo ang Sual Coal-Fired Power Plant, ayon
kay Mayor Arcinue.
Ang
mga fish cages ay matatagpuan sa Baquioen Bay na malapit lamang sa kinatatayuan
ng power plant sa barangay Pangascasan.
Matagal
na sanang nawala ang mga fish cages kung may water pollution, giit ni Mayor
Arcinue.
Dahil
dito, sinabi niya na wala ng naniniwala sa Save Sual Movement na nagdudulot ng
pollution daw ang Sual Power plant.
“Ang totoo, walang pollution sa bayan ng Sual
kung kaya’t ito ay kinikilala ngayon bilang Bangus Capital of the Philippines,”
wika ni Mayor Arcinue.
No comments:
Post a Comment