Monday, March 19, 2018

PAO SUPALPAL SA INTL DENGUE EXPERT


MARIING pinabulaanan ni International Expert Dr. Scott Halstead ang naunang mga findings na ipinalabas ng Public Attorney’s Office (PAO) ukol sa kanilang mga resulta ng auptopsy sa mga batang namatay ng nabakunahan ng Dengvaxia na ito ang kadahilanan ng kanilang pagkakasawi.
Dr. Scott Halstead of the Uniformed Services University of the Health Sciences in Bethesda, Maryland, testifies before the Senate blue ribbon committee hearing on the Dengvaxia vaccine fiasco on Tuesday, March 13, 2018. Benjie Castro
Dr. Scott Halstead of the Uniformed Services University of the Health Sciences in Bethesda, Maryland, testifies before the Senate blue ribbon committee hearing on the Dengvaxia vaccine fiasco on Tuesday, March 13, 2018. Photo Credit: GMA News Online
Sa pagdalo ni Scott sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado ukol sa Dengvaxia, sinabi niya na hindi basta-bastang sa simpleng autopsiya lamang ay agaran ng mapapatunayan na ang Dengvaxia sa pagkamatay ng mga batang may dengue kahit pa sila ay nabakunahan nito.
Magugunitang nagsagawa ng mga autopsy ang PAO sa pangunguna ni Dr.Erwin Erfe  at inilabas ni PAO Chief Attorney Persida Acosta  at kanilang tinukoy na ang pagkasawi ng mga batang may dengue ay sanhi ng bakuna.

Iginiit ni Halstead na isang masusing pag-aaral ang kailangang isasagawa bago tuluyang matukoy o masisi ang bakuna na Dengvaxia sa pagkasawi ng 26 na mga bata.
Inilahad pa niya na hindi din maaaring iuugnay sa viscerotopism at neurotropism ang Dengvaxia vaccine dahil mga “theoretical risks” lamang daw ito. Sumasang-ayon din ito sa report ng World Health Organization (WHO) na nagsasabing wala pa naman daw talagang aktuwal na kaso na nag-uugnay sa Dengvaxia ang mga namamatay.
Si Halstead, batay sa isang science publications, ay isa sa kilala sa buong mundo na nagsasasagawa ng pag-aaral ukol sa dengue at mahigit na 60 na taon na siya ng simulang aralin ang mga sakit na dulot ng mga lamok habang siya ay nagsisilbi sa United States Army Medical Corps sa Asya at nakapaglathala na din siya ng 189 na artikulo ukol sa dengue virus.

Inamin pa ni Halstead na hindi lamang iisang klase ang dengue sa Pilipinas at sa buong mundo subalit sa bansang Pilipinas ay malala ito kung kaya’t napagpasyahan ng pamahalaan ang pagbili ng bakuna upang labanan ito.
Sinabi pa ng dalubhasa na bago pa man tuluyang ipagkaloob ang bakuna ay nagkaroon ng pag-aaral ang pamahalaan at mismong supplier nitong Sanofi Pasteur.
Tahasang  sinabi ni Halstead na hindi din maaring maiuugnay ang Dengvaxia sa tuluyang pagdurogo o internal bleeding sa loob ng katawan ng isang tao sanhi ng dengue na nagreresulta ng epekto sa atay, puso, at baga at iba pang parte ng internal organ ng isang tao.
Nagtataka rin siya sa mabilisang pagpapalabas ng resulta ng PAO o konklusyon na ang Dengvaxia ang sanhi ng pagkasawi ng 26 na mga bata gayong wala pa namang masusi at malalalim na pag-aaral ang naganap. -30-

No comments:

Post a Comment