Dating Congressman at gubernatorial-aspirant Mark Cojuangco ng Nationalist People’s Coalition umapela kay Pangulong Noynoy Aquino upang ipatigil ang pagbibigay ng pabor ni Regional Director Chief Supt. Ericson Velasquez ng Philippine National Police Region I kay Gov. Amado T. Espino, Jr. na ginagamit ang kapangyarihan ng kapulisan para sa politikal na interes ng kanyang pamilya.
Former Congressman Mark Cojuangco |
Ginoong Pangulo,
Chief Supt. Erickson Velasquez |
Alam po namin na matapos magbigay ng suporta ni Pogi Espino sa Liberal Party ay biglang nagbaba ng kautusan ang pamunuan ng PNP – Region 1 na palitan ang maraming Chiefs-of-Police at personnel sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan. Ito na ho ba ang pamamaraan ng Daang Matuwid? Tuluyan na bang kakapit sa patalim ang kandidato ng LP para manalo?
Alam po namin na nagpahayag ang kandidatong ito na lahat ng kagustuhan ni Gobernador Espino ay dapat mapagbigyan ng PNP. Kaya ang ilang matataas na opisyal ng PNP sa rehiyon ay kumilos para maipatupad ito. Alam po namin na ang Regional Director ng Region 1 ay matalik na kaibigan at dating tauhan ni Governor Espino.
Ang aming hiling, huwag sanang magamit ni Gobernador Espino ang kapangyarihan ng kapulisan ngayong halalan. Ang aming hiling, huwag sanang impluwensiyahan ng PNP Regional Director ang kapulisan ng Pangasinan para sa personal na hangarin ni Governor Espino. Ang aming hiling, sana’y hayaan ang COMELEC na idaos ang halalang ito ng walang impluwensya mula sa kahit sinuman.
Taglay ng apelang ito ang paniniwala na sa inyong termino, hindi kailan man mawawala sa tamang landas ang pamunuan ng Daang Matuwid.
No comments:
Post a Comment