By MORTZ C. ORTIGOZA
LINGAYEN, Pangasinan- Nagpapanukala ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ng badyet na hindi bababa sa P9.3 bilyon para sa taong 2027, mas mataas ng 10.18 porsiyento mula sa higit P8.3 bilyon sa taong ito.
“Malaking bahagi ng ating budget ay para sa serbisyong pangkalusugan, habang maglalaan din tayo ng humigit-kumulang ₱600 million para sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna, kabilang ang banta ng Super El Niño,” ani Gobernador Ramon V. Guico III matapos niya maisumite noong Lunes ang panukala sa mga mambabatas ng lalawigan na pinangungunahan ni Vice Gov. Mark Ronald Lambino.
Aniya, malaking bahagi ng pagtaas ng kuleksyon
ng local na pamahalaan ng higanteng lalawigan ay nagmumula sa national tax
allotment (NTA) (dating internal revenue allotment). Ngunit bukod sa NTA ay
mga pagtaas din sa mga lokal na kita gaya sa quarry. Tumaas ang mga
koleksyon sa quarry mula
pa noong opisyal na umupo siya ng Hunyo 30. 2022. Ito ay nagbigay ng karagdagang
pinagkukunan ng kita ng kanyang administrasyon.
Humihiling din ang Punong Ehekutibo ng
opisyal na pagkilala ng pambansang pamahalaan para sa Pangasinan Polytechnic
College upang mabawi nito ang mga tuition subsidies ng mga iskolar na
kasalukuyang pinapasan ng provincial government.
Patuloy namang makatatanggap ng
pinakamalaking alokasyon sa badyet ang mga programa sa healthcare, ayon
kay Guico.
Naglaan din ang pamahalaang panlalawigan
ng humigit-kumulang P600 milyon para sa calamity fund nito sa 2027 bilang
paghahanda sa mga posibleng epekto ng isang 'napakalakas' na El Niño.
"Inatasan ko na ang panlalawigang DRRMO (Disaster Risk Reduction and
Management Office) na makipag-ugnayan din sa Department of Agriculture dahil
ang sektor ng agrikultura ang pinaka-naapektuhan dito," ani Guico batay
sa nagbabadyang salot.
Hiniling pa ng gobernador sa
provincial board na gumawa ng mga hakbang upang matulungan ang mga magsasaka at
iba pang stakeholder sa sektor ng agrikultura na harapin ang mga posibleng
epekto ng darating ng kalamidad.
Sinisiguro niya na ang bawat pondong
ipinagkakatiwala sa pamahalaang panlalawigan ay mapupunta sa mga programang na may
direktang pakinabang sa mga nasasakupan niya.

No comments:
Post a Comment