Thursday, April 9, 2026

Basista First Class Town na sa 2028

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

BASISTA, Pangasinan – Pagtuloy-tuloy ang annual appropriation budget (AAB) na P210 million pataas ngayong taon hanggang taong 2027, pwede na ang third class na bayan na ito na uriin ng pambansang pamahalaan na first class town sa taong 2028.


May P209, 700, 034 budget ang third class na ito na makikita sa Second Congressional District ng Pangasinan. Unang AAB niya ito na nagkapondo siya ng mahigit dalawang daang milyong peso

“Maraming salamat po Sangguniang Panlalawigan for the approval of the 2026 budget of our town Basista,” ani Mayor J.R Resuello sa kanyang Facebook Page kamakailan noong maaprubahan ng mga mambabatas ng Sangguniang Panlalawigan ang nasabing AAB.

CLASSIFICATION O PAG-UURI

Ang mga munisipalidad sa Pilipinas ay inuuri sa lima na klasipikasyon (ika-1 hanggang ika-5 na klase) base sa kanilang katamtamang taunang kita (average annual income) sa nakalipas na tatlong taon ng pananalapi na itinatakda ng Department of Finance (DoF). Ang mga bracket ng kita na ito na nagkakahalaga mula sa mahigit ₱200 milyon para sa ika-1 klase hanggang sa mas mababa sa ₱90 milyon para sa ika-5 klase, ang nagtatakda ng kanilang pondo at katayuang administratibo. 

Sa ilalim ng updated classification ng DoF, ang mga munisipyo sa buong bansa ay naka-kategorya sa five classes ayon sa mga saklaw ng kanilang mga kita:

 1st class – P200 million or more; 2nd class – P160 million to less than P200 million; 3rd class – P130 million to less than P160 million; 4th class – P90 million to less than P130 million; 5th class – less than P90 million.

NATIONAL TAX ALLOTMENT AT LOCAL TAXES

Ang karamihan sa budget na ito ay nangagaling sa National Tax Allotment (NTA) – na dating Internal Revenue Allotment (IRA). Base ito sa 40% ng kabuunang tax collection sa buong bansa ng pambansang gobyerno gaya sa Value Added Tax (VAT), custom tax, at iba sa buong taon.

Ang local taxation ni Basista ay nanggagaling sa real property tax (RPT), local business tax (LBT), transfer of real property ownership, professional tax, at amusement tax.

Nakakatulong ang local na mga buwis sa classification ng bayan na ito para malaktawan ang pagiging third class at second class niya at lumundag siya sa pagiging first class.

Ang alokasyon ng NTA sa bayan na ito ay hango sa pormula kung saan 50% population, 25% Land Area, at 25% Equal Sharing.

May AAB ang bayan na ito na P159,881,919.65 at P189,199,179.13 noong taong 2024 at 2025.

Kailangan lang na makuha ng bayan na ito ang average budget na P200 million magmula sa taong 2025 hanggang 2027 para siya mauri na first class sa taong 2028.

Nakatanggap ang Basista noong mga nakaraan taon nang parangal na No. 3 Most Resilient Town in the Country.

 Kung ikukumpara sa ibang ikatlo at ikaapat na klaseng bayan sa napakalaking lalawigan, ang bayang ito ay mabilis na umunlad matapos itaas ni Mayor Resuello ang mga upa sa mga stall sa pampublikong palengke na ang mga nangungupahan ay hindi nagbabayad nang regular na mga buwis noong nakaraan, inayos at pinaganda ang palengke gamit ang mga kinita at kikitain na ibinabayad sa kaban ng bayan, at agresibong nag-imbita ang kanyang pamahalaan ng iba't ibang bagong mamumuhunan tulad ng 7-11, tindahan ng mga Tsino na nagbebenta ng murang produkto, Welcome Mart Grocery, opisina ng Driving School, Siomai House, at marami pang stall na sumulpot sa pampublikong palengke na nagbura sa reputasyon nito bilang isang "sleepy town" (tahimik/paos na bayan) na isinisisi sa mga nakaraang alkalde.

Sinabi niya na isang investor para sa McDonald's ang naghahanap ng lupa rito para magtayo ng shop para sa US-based food chain.

Ang landlocked na bayan na ito ay may populasyon na 32, 840 (2024 Census), 24 square kilometers na lupain, at 13 mga barangay.

Nasa huling termino na si Mayor Resuello dito.

Sa pagbaba niya sa pwesto bilang alkalde na siyam na taon sa 2028 ay maabutan pa ni Resuello ang pagiging first class ng minahal niyang bayan.

No comments:

Post a Comment