Ni Mortz C. Ortigoza
Mahina at mababaw pa itong mga supporters at
mga trolls na kumakampi sa mag amang Pogi at Amado Espino – mga dating
gobernador ng Pangasinan.
Gaya ng mga patutsada ng tatay ni Pogi (kandidato sa pagka gobernador ang huli) sa pangangasiwa ng nakaupong Governor Ramon “Monmon” V. Guico III ay madaling sagutin.
Ayaw ko ng isulat dito kung paano
ni rebut ni incumbent Guv Monmon, ako, at iba pang manunulat at broadcasters si
matandang Espino, writer at mga broadcaster na malapit sa mag -ama.
Basahin niyo na lang sa link dito sa ilalim kung paano na expose ang kababawan ng mga banat nila:
1) “Binara” ni Guico ang
Patutsada ni Espino sa VMP ( https://wwwmortzcortigoza.blogspot.com/2024/10/binara-ni-guico-ang-patutsada-ni-espino.html
);
2) P800-M White Elephant sa
Bugallon, Sino ang may Sala? ( https://wwwmortzcortigoza.blogspot.com/2024/06/p800-m-white-elephant-sa-bugallon-sino.html
)
Kamakailan bumira na naman itong
mga writers online nila na si Guv Monmon ay “taking credit” sa mga scholarships
ng Pangasinan Polytechnic College (PPC) sa pamamagitan ng Unified Financial
Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) at sa kalahating milyon nang
na ipasok sa PhilHealth Konsulta kung saan ang bawat isang Pangasinense ay may alokasyon
na P1,700.
Anila, bakit inaako ni Guv iyong
mga benepisyo e hindi naman niya pera iyong pinagtutustos doon.
Sagot ng Gobernador noong akin siyang
makapanayam noong paglagak kamakailan ng time capsule sa gagawing 11-storey na
Twin - Tower sa Capitol Complex:
“Hindi
sa atin iyon, pera ng gobyerno iyon. It is a legitimate program. Number one,
iyong Pangasinan Polytechnic College (PPC) legitimate higher education iyon.
All the licences with all the permits and accreditation e meron tayong Free Education
Acts na naglalaan noong congressman ako sampung bilyon (piso) iyan taon taon
pinaglalaan at dinidistribute sa state universities, sa local universities at
na subsidize nila even ang private colleges or universities. Ibig sabihin, andiyan
iyong pondo, partisipasyon mo eskuelahan mo ay accredited ng CHED UniFAST --
lalong lalo na kung ang nagmamay-ari ay isang LGU, isang government entity e di
lahat ng mga mag-aaral diyan charge mo sa UniFAST wala silang babayaran. So,
ano ang masama doon?! Makapagaral tayo ng libre thina-charge pa natin ang
gastusin sa isang pondo na nailaan sa GAA (General Appropriations Act) o
babalik sa coffers ng ating provincial treasury,” paliwanag ng first termer
at reelectionist governor.
Bukod sa kita ng lalawigang gobyerno,
napapadami pa ang mga mahihirap na mag-aaral na na bebenipesyuhan at mapapadami
pa ang mga maitatayong mga kampus ayon kay Guv.
“I
don’t see the point na masama ba na gumawa ng isang programa at isang
eskuelahan na libre ang tuition,” aniya.
Noong sinabi ko sa kay Guico na mahina
ang pangangasiwa ng mag amang Espino noong sila pa ang namamayagpag sa
Pangasinan (15 years!) dahil hindi nila naisip man lang itong no-brainer na UniFAST
at PhilHealth Konsulta ay kahit sinong political science students na nagbabasa
ay puedeng pagsamantalahan ito para sa pangkalahatang kapakanan.
“Dapat
alam na nila ang mga ito at ipinapatupad na nila!” mariin na sinabi ko.
Sagot ng batang gobernador:
“Bakit
hindi nila ginawa. Pangalawa, PhilHealth Konsulta under iyan ng Universal
Health Care Law kailangan 100% ng Filipino enrolled sa PhilHealth but in
reality hindi lahat ng kababayan natin ang enrolled sa PhilHealth”.
Dagdag pa niya na ang mga nabiyayaan
nitong programa ay ang mga laborer, contractual workers, iyong mga asawa nila
na andoon sa mga kabahayan nila na nag aalaga ng mga anak at magulang nila.
“Sa
ground ni isa-isa namin and we used an electronic management record as mandated
by PhilHealth –kailangan meron kayong accredited EMR for you to enroll all your
population. E mano-mano mo bang ililista iyan?” paliwanag niya.
Aniya ang mga exempted dito sa
PhilHealth Konsulata ay ang mga senior citizen na awtomatiko na ang pagiging
kasapi at mga regular workers na kinakaltasan ng P500 kada buwan ang mga sahod
nila para sa kanilang government insurance.
O’ ayan naman pala! ‘Di naman
inaako ni Guv Monmon na pera niya iyong pinaggagastos niya sa UniFAST sa PPC
(kasama na rin ang 12,000 strong students’ University of Eastern
Pangasinan (UEP) sa Binalonan na beneficiary ng hundreds of millions of pesos
kada taon sa UniFAST) at sa PhilHealth Konsulta.
Kaya dinudumog ng mga daan daang tao
ang Guiconsulata niya pag napunta siya sa mga bayan-bayan. Isa sa diskarte para
sila dumalo at magparehistro ay pagpapakita ng P300 para sa kanilang pamasahe,
pangkain o meryenda, at pambawi sa kaltas sa sueldo kung sila man ay di
makapasok.
Ani Vice Governor Mark Lambino, ang
P300 ay ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan na pinamumunuan niya at inaprubahan
ng gobernador.
Aniya, mahigit kumulang isang taon na ang nakalipas noong magpulong ang
mga alkalde ng apatnapung apat na mga bayan, tatlong mga lungsod, tagapangasiwa
ng provincial health office, at si Governor Ramon V. Guico III para ayusin ang
hatian ng pondo na manggagaling sa national governmemt.
“Kailangan itayo po ng provincial government ang Provincial Health
Board (PHB) (that) would be the management of the provincial health fund. Iyan
po ang pinaglalagyan ng PhilHealth para doon sa implementation ng E-Konsulta
Program. Under the guidelines of PhilHealth dapat doon sa Health Board Fund the
management of the fund would be under the jurisdiction of the Provincial Health
Board chaired by the governor. Nakalagay po doon kung ano ang proper
recommended breakdown on the utilization of the funds”.
Paliwanag ni Lambino na doon sa 80% na bayad ng PhilHealth --
kung saan merong paglalaanan na P1,700 kada pasyente – ay kukunin ang bayad.
Nakakatakot sa mata ng kalaban sa karera
para pagka gobernador itong dambuhlang kalahating milyong Pangasinenes na
dumagsa sa Guiconsulta para mag benepisyo sa daan daang milyon piso na
manggagaling sa PhilHealth kada taon pag nakuha na ni Guico ang target na two
milyones na Pangasinense na maipasok sa PhilHealth Konsulta.
Kumpara sa pa basketball ni Pogi,
no contest at di pa niya ka league si Monmon Guico sa lalim ng takbo ng utak
nito paano mapaganda ang kalusugan ng mga constituents nito. At kuwidaw kayo,
di pa natin pinaguusapan ang pagpapapanda ng Kapitolyo dito hehehe!
Tutukan niyo na lang ng ma-igi ang
API Partylist ninyo dahil naghihikahos sa mga survey at ang Bugallon ninyo. Sa
huli, babahain daw kayo ng pera ni William Dy na lalabanan si dating kongresman
na ngayon ay tumatakbo para alkalde na si Jumel Espino.
Backed up daw si Dy ng mga higanteng
personalidad sa Pangasinan na nag-ambag ambag noong Mayo 9, 2022 eleksyon kung paano gapiin si Pogi.
Sa mga taga Bugallon, bumili na
kayo ng salbabida, baga malunod kayo sa pakurong sa nalalapit na halalan diyan,
hahaha!
No comments:
Post a Comment