Sunday, February 16, 2025

Hindi 4th Dist. Iyong May Vote Buying na Tag P1K

 Ni Mortz C. Ortigoza

         MADAMING nagtatanong sa akin sa Messenger ko at sa mga kaibigang media men sa pagbisita kanina ni Climate Change Secretary Robert Borje sa Capitol sa Lingayen, Pangasinan tungkol sa blog ngayon araw ni lawyer at congressional candidate Alvin Fernandez na:

 




𝑨𝒚𝒖𝒏 𝒔𝒂 𝒃𝒍𝒐𝒈 𝒏𝒊 𝑴𝒐𝒓𝒕𝒛 𝑶𝒓𝒕𝒊𝒈𝒐𝒛𝒂, noong 15 Pebrero 2025, posted ng 10:28AM, isang sikat na broadcast journalist ng Northern Watch, na madalas mag post sa kanyang facebook, with PUBLIC VIEWING, na umaabot sa 87,501 views ang ibang post niya, may nakausap siyang isang Kongressman, to quote,

𝘼𝙔𝙊𝙉 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙤𝙣𝙜𝙧𝙚𝙨𝙢𝙖𝙣𝙣𝙖 𝙖𝙮𝙖𝙬 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜𝙜𝙞𝙩 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙣𝙞𝙮𝙖𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙪𝙨𝙖𝙥 𝙠𝙤, 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙢𝙖𝙩𝙖𝙠𝙗𝙤𝙣𝙜 𝘾𝙤𝙣𝙜𝙧𝙚𝙨𝙨𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙗𝙞𝙗𝙞𝙡𝙞 𝙣𝙜 𝙗𝙤𝙩𝙤 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙣𝙖𝙡𝙤 𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙣𝙜 85% 𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙜𝙞𝙨𝙩𝙚𝙧𝙚𝙙 𝙫𝙤𝙩𝙚𝙧𝙨 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙨𝙩𝙧𝙞𝙩𝙤.

𝙃𝙖𝙡𝙞𝙢𝙗𝙖𝙬𝙖: 𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙤𝙩𝙖𝙣𝙩𝙚 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙘𝙤𝙣𝙜𝙧𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙙𝙞𝙨𝙩𝙧𝙞𝙘𝙩 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮 266,894 𝙫𝙤𝙩𝙚𝙧𝙨 - 𝙛𝙧𝙤𝙢 𝙩𝙝𝙚 85% 𝙤𝙛 313,994 𝙫𝙤𝙩𝙚𝙧𝙨, 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙩𝙞𝙜 𝙋1,000 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙡𝙞𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙗𝙤𝙩𝙤 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙗𝙤𝙩𝙖𝙣𝙩𝙚, 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙘𝙤𝙣𝙜𝙧𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙘𝙖𝙣𝙙𝙞𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙜𝙪𝙢𝙖𝙨𝙩𝙤𝙨 𝙣𝙜 𝙋266, 894,000 𝙤 𝙋133,447,000 𝙥𝙖𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙋500 𝙠𝙖𝙙𝙖 𝙩𝙖𝙤.

𝙐𝙨𝙪𝙖𝙡𝙡𝙮 80% 𝙩𝙤 85% 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙢𝙪𝙩𝙤, 𝙖𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙥𝙚 𝙠𝙖𝙢𝙞 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙞𝙮𝙖.”

AKO NAMAN na si Alvin Fernandez, AY NAG COMMENT sa kanyang post.

266,182 𝒗𝒐𝒕𝒆𝒓𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒎𝒐𝒕𝒐 𝒔𝒂 4𝒕𝒉 𝒅𝒊𝒔𝒕𝒓𝒊𝒄𝒕 𝒐𝒖𝒕 𝒐𝒇 310,771 𝒗𝒐𝒕𝒆𝒓𝒔 𝒏𝒐𝒐𝒏𝒈 2022 𝒆𝒍𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔, 𝒐𝒓 85.65% 𝒗𝒐𝒕𝒆𝒓 𝒕𝒖𝒓𝒏𝒐𝒖𝒕, 𝒏𝒐𝒐𝒏𝒈 2022 𝑬𝑳𝑬𝑪𝑻𝑰𝑶𝑵𝑺”.

 

 

        Aniko ibang distrito ang tinutukoy ko doon. Iyong ma intrigang sipi ko na iyon ay galing sa lumang column at blog ko na nagkamit rin ng maraming reaksyon, pagkagulat, at pagka -iskandalo sa mga netizens sa loob at labas ng Pilipinas matapos kong ipost sa blog/vlog kong 101 Talk Radio kahapon.

 

Na ipost ko iyon noong sinusuri ko ang mga lumang sinulat ko sa nakalipas na dalawang dekada dahil gusto kong mailabas sa librong sinusulat ko na may pamagat “Paano Nanalo ang mga Pinoy sa Eleksyon” na plano kong ibenta online (gaya sa "Kingmaker: The Hard Copy" ni Atty. Vic Rodriguez) sa mga tumatakbo ngayong 2025 eleksyon.

 

Baka mag best seller itong ginagawa kong raket at magkadatung ako ng limpak limpak, hahaha!

Pagnagkataon tatakbo akong mayor o kongresman tulad ni Alvin doon sa amin sa Mindanao dahil mura ang bilihan ng boto, este, gastusan doon para sigurado ang aking pagkapanalo.

(Pagpasensiyahan niyo itong lumang laptop computer ko minsan mali-mali ang lumalabas na salita, hahaha!)

Iyong pinagkunan ko ng “excerpt” ay kasali sa mga sinulat ko sa Northern Watch Newspaper at sa mga blog ko sa huling dalawamput taon. Tungkol sila sa mga panayam ko sa mga alkalde, kongresman, at mga senador kung paano sila nanalo sa eleksyon. Kasama na doon kung paano sila namimili ng boto, ang dami ng tao na kailangan nilang bilhin, ang timing ng pagbili, mga uri ng armas na ginagamit ng mga goons nila, saang lalawigan sila kumukuha ng mga tauhan nila para panakot nila sa kalaban, ang sabwatan nila sa mga matataas na opisyal ng kapulisan para may bentahe silang manalo, at iba pa.

Naniniwala akong madami ang gustong makaalam nitong pinagkakaabalahan ko sa mga nakalipas na mga buwan. In short, from the horses’ mouth mismo ang mga source ko.

Pag nag click iyong libro ko, isusunod kong isulat kong paano magnakaw ang mga elective officials sa mga proyektong gobyerno mapa local at national man kung saan marami sa kanila – kasama na doon ang mga opisyales ng DPWH o Departamento ng mga P*tang Ina at Walang Hiya este Department of Public Works & Highway – ang nagkukwento sa akin kung paano sila nagmu-moromoro sa bidding, ang laki ng kupit na tinatawag na s.o.p galing sa kontraktor na binabayaran ng pamamahalaan.

 

         O’, saan pa kayo nakakita ng manunulat na ganito na alam niya kung paano mamili ng boto sa eleksyon at paano magnakaw ang mga dorobong pulitiko.

Pero uulitin ko, iyong tag P1,000 o P500 na bilihan kada bobotante na sinabi ko at ni quote ni Alvin ay sa ibang distrito iyon at iyon ay galing sa lumang column at blog ko.

Ganoon kalaki ang bigayan doon noon dahil ang kalaban ay kayang magbigay ng tig-isanlibong piso kada voter rin. Wala namang ganoon kalaking halaga na umikot sa isang lungsod at apat na bayan ng Quatro Distrito noong naglaban noong May 9, 2022 election si last term Congressman Toff de Venecia kay Atty. Alvin kung saan ang una ay nakakuha ng 213, 020 boto at ang huli ay merong 53, 162 votes.

 

         Magbabangaan ngayong May 12 congressional election si Alvin at si dating Kongreswoman Manay Gina de Venecia. Ang huli ay ina ni Kong. Toff.

 

No comments:

Post a Comment