By Mortz C. Ortigoza
More than a decade ago noong kalakasan pa ng jueteng na sugal sa
lalawigan ko, I dropped by at a meeting of the folks and officials of a first
class and a big town where I met a bald male high town official who sat near me.
“Ano naman ang
katungkulan ninyo dito sa munisipyo, Sir?” I asked.
“Ako ang hepe ng Assessor’s Office,” he said.
“Tatlo lang ang nirerespeto ng mga kasama ko sa media sa munisipyo
pag nadaan sila. Ang tawag nila Trinity ng Grasya,” I stressed.
“Anong ibig niyong sabihin?”
“Pagpunta kasi ng mga reporters para mag interbyu kuno diretso na sila
sa alkalde kung saan nabibigyan ang kada isa ng P500 tapos sa Chief of Police
kung saan pag galante rin P500 ang ibibigay,” I told him.
“Paano ang Vice
Mayor? Kasali ba siya sa Trinity?”
“Hindi kasi ang
Vice Mayor at mga councilors naka depende ang share nila sa jueteng galing kay
mayor. Pagkalaban ni mayor ang Bise at mga Kagawad, wala silang bahagi weekly”. I stressed.
“Bakit si Hepe ng pulis meron?”
“Kasi siya ang enforcer. Kung manghuhuli siya ng mga nagpapasugal
ang mga sugarol wala ng kita si mayor kaya may porsiyento siya kada linggo na
two percent galing sa maintainer ng jueteng at si mayor naman ay may five percent kada linggo rin”.
“E sino naman
iyong ikatatlo sa nirerespeto ng mediamen sa munisipyo?”
“Kayo! Ang Assessor kasi madami kayong pera dahil kaya niyong e
mahika o e magic ang babayaran na amelyar (real property tax) kada taon ng mga
tao. Sabihin niyo lang ibaba niyo ang rate pero sabay hingi kayo ng kupit sa
kanila, iyan ay sabi ng mga mediamen rin sa akin”.
Pero dito sa ilalim na column o blog ko na ikukwento, makikita niyo
na masiba rin sa nakaw si Vice Mayor.
***
I wrote on my column
several years ago about a Philippines Congressman who was a Korean.
“Korean? Paano naging Korean iyan e kilala ko iyan puro Filipino ang
mga magulang,” I emphatically told a broadcaster.
He told me that the solon was unabashedly corrupt: Every time there was
a contractor who would offer his service to his more or less one billion pesos’
allocation of projects yearly from the national government he would ask the
former: “Magkano Korean”. A play of words of "magkano ako riyan' as
his cut to the project.
I thought many elective officials in the Philippines are Koreans but I
was mistaken when I met the other day a contractor, a mayor, and a vice mayor
of a town.
I learned that aside from a Korean, the Philippines coffer is being
raided by miscreants and scoundrels like “Eddie” and “Patti”.
Here’s what ensued that I finally learned to know these two about the
meaning of their first names:
A contractor offers his service to the mayor or hizzoner and the female
vice mayor or veem.
“Paano si Eddie,
Mr. Contractor pag na finalized natin itong kontrata?” the mayor asked.
“Sino po si
Eddie, Mayor?
“E di ako (a play of words of Eddie)!” the hizzoner bellowed.
“Ay oo nga pala,
okay na iyong 20 percent niyo Mayor”.
“Paano naman si Patti? the Veem asked.
“Sino po si
Patti? Iyong jazz singer na si Patti Austin?”
“Hindi. Patti ibig sabihin “Pati Ako!”
“Ay oo nga pala,
meron kayo diyan Vice,” the contractor said embarrassed.
No comments:
Post a Comment