Tuesday, February 4, 2025

"Kakasuhan Kayo Pag Di Ninyo Pinalitan si Mayor Rammy, VM Jimmy!"

 BABALA NG DILG SA 2 URDANETA CITY KONSEHAL

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

URDANETA CITY, Pangasinan – Dahil sa mala tukong pagkapit ng alkalde at bise alkalde na lisanin ang mga pwesto nila dito, nagbabala ang Department of Interior & Local Government (DILG) sa dalawang pinakamataas na mambabatas dito na gampanan na ang tungkulin ng mayor at vice mayor kung hindi sila naman ang makakasuhan.
Sa Memorandum ni Atty. Romeo P. Benitez, Undersecretary for External, Legal and Legislative Affair, isinautos nito kay DILG Region 1 Director Jonathan M. Leusen Jr. na mag coordinate siya sa pamunuan ng Philippines National Police (PNP) “in ensuring the peaceful assumption of office of the Acting Mayor and Acting Vice Mayor of Urdaneta City” para palitan pansamantala ng isang taon si suspendidong Mayor Julio “Rammy” Parayno III at Vice Mayor Jimmy Parayno.
OFFICIALS of the Department of Interior and Local Government (DILG) (left photo) serve the memorandum and advisory of the one year suspension from the Office of DILG Secretary Jonvic Remulla to Urdaneta City recalcitrant Mayor Rammy Parayno and Vice Mayor Jimmy Parayno. The DILG officers have been assisted by members of the Philippines National Police for a peaceful assumption of power to the successors of the duo who are the top two lawmakers.

Sa pamamagitan ng “by operation of law” si first and second councilors Franco Paulo del Prado at Warren DC. Andrada ay inatasang pansamantala munang uupong alkalde at bise alkalde sa first class na lungsod.
Sa post sa Facebook ngayong hapon ni dating Liga ng mga Barangay (LNB) President at dating San Vicente Punong Barangay Mickey Perez, aniya noong malaman nina Mayor Parayno at Vice Mayor Parayno na parating na ang mga opisyales at kawani ng DILG at mga kapulisan para pababain sila base sa ika-7 Enero na Suspension Order ng Malacanang, sinarado nila ang mga opisina nila para maiwasan uli ang pag-silbi ng one - year suspension.
Noong ibinaba iyong suspension noong ika-7 ng Enero sa kay Mayor ayaw tanggapin ng mga kawani ng opisina niya habang nakasarado ang opisina ni Vice Mayor Parayno noong araw na iyon, ayon sa source ng diyaryong ito.
“Nagtungo ang DILG sa opisina nila Mayor at Vice Mayor kasama ang assistance ng PNP upang sila ay pabababain sa pwesto dahil nga suspended sila mula pa noong January 7 pero ayaw nila itong sundin. Di umano noong malaman nila na parating na ang DILG, sila ay nag alisan sa city hall at ni-LOCK ang kanilang mga opisina para muling iwasan ang DILG,” ani Perez kanina.
Dagdag pa ni Perez na nagtungo ang mga opisyales ng DILG sa mga opisina ng mga department heads ng local government unit dito para bigyan sila ng dokumento na si Del Prado at Andrada na ang pansamantalang pinakamataas na opisyales dto
Sa Advisory ni Undersecretary Benitez noong Enero 31 binanggit niya ang mga ulat na: a. Mayor Julio F. Parayno still continue the act as Mayor of Urdaneta City; b. The Office of Vice Mayor Jimmy D. Parayno is still padlocked; c. The highest ranking Hon. Franco S. del Prado and the second highest ranking Hon. Warren D.C Andrada, sanggunian members have yet to assume as acting mayor and acting vice mayor, respectively; d. The office of the highest and second highest ranking sanggunian were locked hence, notice of their assumption was posted in their respective offices was also sent through registered mail; e. The letter pertaining to the assumption of the highest ranking sanggunian as acting mayor was furnished and received by the LBP (Land Bank of the Philippines) – Urdaneta City Branch; Commission on Audit Region 1; Civil Service Commission Region 1; and Development Bank of the Philippines – Urdaneta City Branch.
Binalaan ni Undersecretary Benitez si Del Prado at Andrada na ang kabiguan nilang sundin ang utos ng batas na umupo sila sa nasabing pwesto ay maging “ground for criminal and/or administrative sanction”.
Ang kasong administratibo ng dalawang magpinsang Parayno ay hango sa “OP-DC Case No. K-090 entitled Michael Brian M. Perez vs. Mayor Julio F. Parayno III and Vice Mayor Jimmy D. Parayno” kung saan ni indefinite suspended ni Mayor Parayno si Liga ng mga Barangay (LNB) President at San Vicente Punong Barangay Perez dahil sa June 14, 2022 na Manifesto ng 33 sa 34 na Punong Barangay ng lungsod na ito para alisin siya na LNB President.
Matapos sulatan ni Perez ang Office of the National President of the LNB, Office of the Provincial Board sa Lingayen, Pangasinan, at ang DILG, sinabi ni LNB National President Eden C. Pineda sa liham niya noong June 20, 2022 na ang pagtanggal kay Perez “is substantially and procedurally erroneous which renders the same null and void”.
Noong Setyembre 2, 2022, sinulatan ni DILG Provincial Director Paulino G. Lalata, Jr. si Parayno na ang pagsuspinde kay Perez sa LNB ay walang basehan.
Setyembre 5, 2022, sumulat si Parayno kay Lalata na ang “indefinite suspension of Perez had been lifted as per his September 8, 2022 Memorandum”.
Kahit na tinanggal ang suspension ayaw pa rin papasukin sa Oktubre 5, 2022 regular session si Perez ni Vice Mayor Paranyno dahil hindi na kinikilala ang una na ex-officio miyembro ng sanggunian.
Ani Perez na kinikilala ng mga nasasakupan niya na mga kapitan ang eleksyon ni Punong Barangay Cheryl del Prado – kaalyansa nila Parayno – na bagong Presidente ng LNB.
Sa masusing pagsusuri ng Office of the President at DILG nakitaan nila ng pananagutan si Mayor at Vice Mayor sa salang Grave Misconduct at Grave Abuse of Authority.

No comments:

Post a Comment