Ni Mortz C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan – Taliwas sa mga mali-maling paninira ng mga kritiko ng Guico Administration, ipinaliwanag ng bise gobernador ng Pangasinan ang tunay na 80-20 alokasyon ng mga daan daang milyong pesos na manggagaling sa PhilHealth Konsulta.
PANGASINAN Gov. Ramon V. Guico III (left) and Vice Governor Mark Ronald Lambino. |
“So, malinaw iyan. The 20% na mapunta sa LGU insentibo na lang na gagamitin na lang iyan ay hinihingi nila. The 80% na matitira sa probinsiya isa-subsidize po iyong pambili ng gamot iyong gagamitin sa mga medical equipment, mga test pambayad po doon sa record system, other logistical expenses – sagot po ng provincial health board fund. Iyon po ang logic,” ani Vice Governor Mark Ronald Lambino.
Aniya, mahigit kumulang isang taon na ang nakalipas noong magpulong ang mga alkalde ng apatnapung apat na mga bayan, tatlong mga lungsod, tagapangasiwa ng provincial health office, at si Governor Ramon V. Guico III para ayusin ang hatian ng pondo na manggagaling sa national governmemt.
“Kailangan itayo po ng provincial government ang Provincial Health Board (PHB) (that) would be the management of the provincial health fund. Iyan po ang pinaglalagyan ng PhilHealth para doon sa implementation ng E-Konsulta Program. Under the guidelines of PhilHealth dapat doon sa Health Board Fund the management of the fund would be under the jurisdiction of the Provincial Health Board chaired by the governor. Nakalagay po doon kung ano ang proper recommended breakdown on the utilization of the funds”.
Paliwanag ni Lambino na doon sa 80% na bayad ng PhilHealth -- kung saan merong paglalaanan na P1,700 kada pasyente – ay kukunin ang bayad.
“The remaining 80% of the collection of PhilHealth of the fund doon po
kukunin ay doon po matitira po sa Provincial Health Board Fund at doon po
kukunin ang bulto ng mga expenses po ng mga implementasyon ng Kunsulta”.
Aniya,
ito ang mga bayad sa Electronic Management Record System (EMRS) na gagamitin sa
health program. Ito ay babayaran ng provincial government.
“Second, iyong sa mga subsidy at doon sa mga assistance po na ibibigay para sa lahat ng mga LGUs, kanilang existing na RHUs, infirmary, gamot ng mga LGUs. At ang pinaka importante po ay iyong pag cover sa mga services na hindi kayang ibigay ng mga munisipyo”.
Paliwanag pa ng bise gobernador na base sa patnubay
meron dapat minimum na pangangailangan na inilapag ang PhilHealth at PHB sa
isang primary health care facilities.
“At hindi nga po pumapasa ang malaking porsiyento - very big number – of the health care facilities – ng ating mga munisipyo - sa ating probinsiya”.
Aniya doon kukunin sa primary health care facilities ang mga serbisyo na babayaran ng 80% naka-atang sa provincial health fund.
“Kukunin iyan sa mga services ng mga hospital natin which are all accredited by PhilHealth to provide the the primary health care requirements of the Konsulta”.
Lahat na
mga bayarin sa provincial, regional, at private hospitals na nagbigay serbisyo
o lunas sa pasyente ay babayaran ng pondo galing sa otsenta porsyento -- na
manggagaling sa provincial health fund (PHF).
Ang
biente porsyento (20%), dagdag pa niya, ay mga insentibo na mapupunta sa mga doctor,
nurses, medical technologist, barangay health workers, at iba dahil sila ang
nagpapatupad ng Konsulta.
“Twenty percent of the collection would go directly to the local
government unit under the local health board which is chaired by the local chief
executives – mga mayor po”.