Naging isang
bangungot ang 60-araw na preventive suspension na iginawad ng Office of the
President sa tatlong mambabatas sa Dagupan City na kasama sa mayoryang-oposisyong
Magic-7 na kalabang “mortal” ng nakaupong babaeng alkalde.
Ang mapait na
kapalaran ng Magic 7 ay maging aral sa ibang kasapi ng mga sanggunian
(lawmaking body) ng mga bayan, siyudad, at probinsiya sa buong Pilipinas na
nakikipagbuno sa kapangyarihan sa nakaupong alkalde at kanyang mga kaalyansang
mambabatas.
MAYOR Belen T.
Fernandez browsing on an infrastructure project probably part of the P1.6
billion 2025 appropriation budget of Dagupan City (top photo and clockwise); the
three councilors who were meted a preventive suspension by the Office of the
President; and the five solons and Vice Mayor Brian Kua allied with the mayor who were crowing the P1.6
billion annual appropriation budget of the second class city for 2025 that they
just approved after they became a majority a week ago.
Matapos
mapansin ni Councilor Red Erfe-Mejia noong Oktubre 10, 2023 sesyun na may isang
lalaking naka t-shirt na may bumubukol sa loob na baril sa gallery ng
sangguniang panlungsod (SP) siya’y ay pumalag at sumigaw sa mga tauhan ng SP na
isarado ang pintuan para walang taong makalabas.
Napagkamalan
nya ang pulis na allegedly bodyguard ni Vice Mayor Brian Kua – kalaban niya sa
konseho na taga minority.
“Copies of the video that reached social media
showed Erfe-Mejia trying to wrestle control of the session by snatching
microphones away from other officials, then delivering a tirade against others
present in the session as well as demanding to lock the room to prevent anyone
inside from leaving,” ayon sa isang bahagi ng
utos ng preventive suspension na pinirmahan ni Office of the President’s Deputy
Executive Secretary for Legal Affairs Atty. Anna Liza Logan.
Nagsimula ang
“suspension” noong Oktubre 30 hanggang Disyembre 29, 2024 dahil sa kasong Abuse
of Authority, Oppression at Grave Misconduct dahil sa kanilang naging asal
sa naganap na sesyon.
Nakikinita
kong madi-dismiss lang ng Malacanang ang kaso sa final suspension dahil “human
nature” ang matakot at mataranta dahil sa sitwasyong inilarawan ko kanina.
Dinig ko pati
korte kung saan inihain ng mga minority councilors ang mahinang criminal case
(Alarm and Scandal? Unjust Vexation?) ay ibinasura na ang ginawa ng tatlo.
Gayunpaman,
nakakasira pa rin sa mayorya ang dalawang buwang preventive suspension dahil
nalagasan sila at naging mahinang minority, susmariosep!,
habang naging makapangyarihang majority
naman ang mga dating binabara nilang taga oposisyon.
Hindi lang
diyan nagtapos. Ang daan-daang milyong pisong pinipigilan nila sa nakalipas na
mahigit dalawang taon na gastusin ni Mayor Belen ay parang isang bagong bukas
na talon na bumulwak ng grasya para lalong magpaganda o magpaguapo at
magpalakas sa huli sa mata ng karamihan ng mga nasasakupan niyang 174,302
populasyon (2020 census) o 138,721 botante (2022 census).
Ang SP ay may
miyembro na labĆng-tatlĆ³ (13) kasama ang Bise Mayor Kua. Kailangan lang nila ng
pito (7) para magka korum kasama na diyan si Kua at apat na boto sa mga ordinaryong
batas gaya ng mga health at regulatory ordinances na hindi na kasama sa
bilanggan ng numero ang bise alkalde. Pero kailangan nilang sundin ang sinasabi
ng jurisprudence na Qualified Majority na pitong (7) boto sa 12 na opisyal na
miyembro kung kailangan nilang ipasa ang supplemental at annual budget para sa
pagbabayad sa kontraktor, mangutang sa banko at iba pa. Ito ay nakasaad sa
Section 53 (a) ng Local Government Code: “A majority of all members of the sanggunian
who have been elected and qualified shall constitute a quorum to transact
official business. Should a question of quorum be raised during a session, the
presiding officer shall immediately proceed to call the roll of the members and
thereafter announce the results”
***
Dahil sa
60-day suspension ng tatlo ay naging agresibo ang pangangasiwa ni Mayor Belen
T. Fernandez at isang araw lang ang
nakalipas matapos mag walked out ang apat na oposisyon sa sesyun, inaprubahan ng
mga kaalyado niya ang tumataginting na P550 million na supplemental budget.
Ang
dambuhalang halaga na naipon ng mahigit dalawang taong “polarization” o
“schism” o sigawan at murahan sa konseho na naging circus sa mata ng mga taga
Pangasinan at ibang bayan, lungsod at lalawigan sa Pinas.
Ang nasabing salapi ay gagamitin sa pagbili ng
mga heavy equipment, trucks para sa Waste Management Office, City Disaster
Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at iba pa.
Iyang P550
million supplemental budget ay nagpamangha sa mga alkalde at mga konsehales sa
Pangasinan kung saan ang mga first class towns dito ay nagba- budget lamang ng
mahigit o kumulang na P300 million kada taon at ang third class town gaya ng
Basista ay P180 milyon lang kada taon.
Sinabi rin ng
mga bagong mayoryang konsehales sa isang press conference noong Miyerkules na
dalawang beses na sila mag si-sesyun mula sa regular na sesyun kada
Martes kada linggo. Approval galore ng mga projects
at programa, anak ng bakang dalaga!, ang mangyayari dito, hahaha!
Noong
Nobyembre 12 sa regular sesyun nila, inaprobahan ng sanggunian -- isang lingo
makalipas ang brouhaha – ang P1.6 bilyon budget sa 2025.
Hindi ako
magugulat na sa buwan na ito ipa fast tract ng Belen Fernandez Administration
ang intensyon ng pag-utang ng P1 billion to P2 billion sa banko para maituloy
na ang nabinbin niyang pangarap na modernong munisipyo na ilagay sa lupain ng
pamilya niya doon sa kalagitnaan ng mga fishpond sa Barangay Pantal sa
pamamagitan ng donasyon. Nabasag ang pangarap niyang ito dahil sa mga kill joy
niyang mga kaaway sa City Council.
Kaya pa bang
ipawalang bisa ng Magic 7 ang pagdaloy ng halos walang katapusang pagbulwak ng
tubig sa talon gaya ng paghain ng injunction sa korte?
***
Himayin
at suriin natin dito sa pamamagitan ng tatlong jurisprudence ng Korte Suprema
kung naaayon sa batas ang pag apruba ng limang mambabatas na kaalayado ni
Mayora.
Itong
tatlong jurisprudence ay ang Jose Avelino v. Mariano J. Cuenco (G.R. No. L-2821, March 4, 1949), Manuel Zamora vs Governor
Jose R. Caballero (G.R. No. 147767 January 14, 2004), at Municipality
of Corella, Represented by Mayor Jose Nicanor D. Tocmo, Petitioner, Vs.
Philkonstrak Development Corp. and Vito Rapa, Respondents (G.R. No. 218663, February 28, 2022).
Sinabi sa Zamora na: “Lastly, for a resolution authorizing the governor to enter into a
construction contract to be valid, the vote of the majority of all members of
the Sanggunian, and not only of those present during the session, is required
in accordance with Section 468 of the LGC (Local Government Code) in
relation to Article 107 of its Implementing Rules. Even including the vote
of Board Member Osorio, who was then the Acting Presiding Officer, Resolution
No. 07 is still invalid. Applying Section 468 of the LGC and Article 107 of its
Implementing Rules, there being fourteen members in the Sanggunian, the
approval of eight members is required to authorize the governor to enter into
the Contract with the Allado Company since it involves the creation of
liability for payment on the part of the local government unit”.
Iligal ani ng
Korte Supreme ang pag aproba ng pitong (7) na mga kaalyado ng gobernador ng Compostella
Valley ang pagpapaayos ng provincial capitol sa isang kontrata sa Allado
Company dahil lang kinapos ng isang boto ang kontrata. Paano iyan kung gumastos
na ng milyon-milyong piso o daang milyong piso si Allado? Ihagulgol na lang
niya ang kanyang madilim pa sa aspalto o alkitran na kapalaran dahil di siya
babayaran ng Kapitolyo.
Ang pag
aprobang supplemental at annual appropriation budget, bayad utang gaya sa mga
kontrator at banko ay nasa ilalim ng Section 306 (payment
of goods and services from local government funds).
Kung nasa
Pilipinas lang ang miyembro na ayaw sumali sa sesyun, ang presiding officer ay
maykapangyarihan na utusan ang kapulisan na hulihin ang nasabing miyembro para
makasali sa pagboto. Ito ay ayon sa Section 53 (b) ng Local Government Code.
“…the presiding officer may declare a recess until such time as a quorum
is constituted, or a majority of the members present may adjourn from day to
day and may compel the immediate attendance of any member absent without
justifiable cause by designating a member of the Sanggunian, to be assisted by
a member or members of the police force assigned in the territorial
jurisdiction of the local government unit concerned, to arrest the absent
member and present him at the session (Section 53 (b)) LGC”.
Sa kaso ng
tatlong konsehales na binabaan ng preventive suspension ng 60-araw, hindi sila
makasali sa bilangan dahil “beyond the
coercive power of the law” ang Sangguniang Panlungsod ng Dagupan magmula
Oktubre 30 hanggang Disyembre 29 base sa
Avelino vs Cuenco na himukin silang dumalo.
Nakasaad doon
na: “The issue in said case was whether there was a quorum in a meeting
attended by only 12 of 24 senators, one having been in the hospital while
another was out of the country. This Court held that although the total
membership of the Senate was 24, the presence of 12 members already constituted
a quorum since the 24th member was outside the country and beyond the coercive
power of the Senate”.
Naipaliwanag
ko na kanina dito kung ilan ang simple majority at qualified majority na
kailangan sa sesyun sa sanggunian sa Dagupan City
Noong
pumunta ang tatlong konsehales ng Magic -7 sa Estado Unidos noong nakaraang
taon, naisahan sila ng limang minority noong makitang apat sa kasama nila ang
pumasok sa sesyun noong Oktubre 2023. Dahil doon inaprobahan ng minority na
naging mayorya ang P1.3 billion budget para sa 2023 na matagal ng binibinbin ng
Magic 7. Kung kinasuhan man sila sa korte, siguradong ginamit nila ang
jurisprudence sa Avelino vs. Cuenco na walang coercive power si Vice Mayor Kua
na pauwiin ang tatlo kaagad para maipasa ang budget.
Inuulit
ko ang una kong sinabi dito sa blog ko: Dahil lang sa preventive suspension na
hindi naman conviction at pwede namang ma-dismiss maya-maya, ito’y naging
“costly” sa pakipagbuno ng mayorya o Magic-7 na pigilan na maging
makapangyarihan ang alkalde na kalaban nilang mortal.
Kaya ang
leksyon dito sa mga miyembro ng sanggunian sa buong Pinas: Mag ingat sa mga
aksyon sa loob ng sesyun baka ito’y maging dahilan ng inyong preventive
suspension at magka-leche leche ang political strategy ninyo kontra sa mga
kalaban ninyo.
(Note:
Hindi ko na isinali sa opinyon ko dito ang kawalan ng two-third votes noong
baguhin ng mga kaalyado ni Mayor Belen ang internal rules ng sanggunian noong
Nobyembre 4, dahil kung may paglabag man doon mababa lang ang multa or parusa kontra
sa bagong mayorya. Ang paglabag doon ay hindi rin maging void ab initio ang proseso na ginawa ng
mga kaalyado ni Mayora. Ang importante ay nasuri natin dito ang mga batas sa
Local Government Code at mga jurisprudence)