Isang araw,
makalipas magdeklara ng enhanced community quarantine ang Pangulong Duterte sa
buong Luzon, si 4th District Congressman Christopher de Venecia ay agad
nagpaabot ng tulong sa mga tinagurian niyang unsung heroes sa labang ito.
Sila ang mga
tinaguriang frontliners: Ang mga military na nagbabantay ng mga checkpoints sa
bawat bayan at ang mga medical personnel sa mga ospital at klinika na gumagamot
sa mga maysakit at posibleng tamaan ng Covid19.
"Gusto ko pong batiin ang mga magigiting nating
frontliners sa labang ito--- the medical personnel in hospitals, the military
in our checkpoints, the barangay officials. Alam kong hindi madali ang trabaho
ng isang frontliner, kaya maraming salamat," ang wika ng kongresista.
" Para ipadama ang kanyang suporta sa mga
frontliners, noong March 18 ay namahagi ito ng mga inihandang pananghalian mula
sa isang popular na fast food.
Namahagi rin siya ng mga tents para may magamit ang
mga kapulisan sa kanilang checkpoints.
"Last
Wednesday, March 18, we have provided eight tents to Dagupan City PNP, five for
Manaoag, five for San Fabian, four for San Jacinto, and four for
Mangaldan," ang pahayag ng congressman.
"These tents can also be used as areas, where
people who are waiting confirmatory temperature checks can wait.
Ang nasabing
pamamahagi ng mga lunch packs ay isinagawa sa lahat ng bayan at siyudad ng
Dagupan na sakop ng kuwatro distrito ng Pangasinan.
No comments:
Post a Comment