Ilan sa unang
nabigyan ang 13 barangay sa Dagupan City.
Ngayong lunes
ay magpapatuloy ang pamimigay ng nasabing kagamitan para sa proteksiyon ng mga
barangay workers na naglilingkod para labanan ang pagkalat ng corona virus sa
kanilang barangay. Tatanggap din ng nasabing tulong ang mga military sa mga
checkpoints, at medical personnel ng Region 1 Medical Center, at rural health
units na natatagpuan sa Quatro Distrito.
Sa mga darating na araw ay ipapamahagi naman ng
kongresista ang iba pang protective personal equipment, gaya ng : single use
protective clothing, goggles, at forehead thermometer. Hinimok din ng
kongresista ang mga ka-distrito, na hangga’t maari ay iwasan ang lumabas ng
bahay, maghugas ng kamay, at maging alerto. Ayon kay Congressman De Venecia,
“ Ang Kuwatro
Distrito ay mapalad dahil ka-distrito po natin ang Mahal na Birhen ng Manaoag,
pero anuman ang inyong relihiyon, magdasal po tayo sa ating Panginoon at
idalangin natin, na sana’y matapos na ang health crisis na ito at makaligtas
tayo sa anumang panganib.
“Together we
will be able to get through this. Andito po ako para po sa inyo.”
No comments:
Post a Comment