Isang
malaking biyayang maituturing ng mga bike enthusiasts ang ipinatayo
ni 4th District Congressman Christopher de Venecia na multi-purpose
Biker’s Den sa Barangay Inmalog Sur, San Fabian.
Makabuluhan ang
pasilidad na ito bilang bahagi ng sports tourism program ni
Congressman de Venecia at pagkilala din sa Pangasinan bilang “cradle
of world champions and record holders in cycling”.
Pinakikinabangan
ito ng iba’t-ibang mountain bike cyclists mula sa iba’t-ibang
grupo hindi lang sa Pangasinan kundi maging sa karatig probinsya na
dumadayo pa sa Biker’s Den bilang bahagi ng kanilang regular na
ehersisyo, lalo na tuwing Sabado at Linggo.
Lahat sila ay manghang
-mangha sa ganda ng Biker’s Den na siyang kauna-unahan sa
Pangasinan. Inaasahan din ito na mas magpapalakas din ng turismo sa
San Fabian.
Ipinatayo ito ni Congressman de Venecia ang Biker’s Den
upang buhayin ang interes ng mga kabataan sa sports o palakasan, lalo
na ang cycling, at para maipakita rin sa mga lokal na turista ang
ganda ng San Fabian.
Mayroon itong magandang landscape, mga restrooms
at shower area at mga bike rails kung saan pwedeng ilagay ang mga
bisikleta habang nagpapahinga ang mga bikers.
Iba pang proyektong
pang-turismo ni Rep. CDV sa San Fabian bukod sa paghikayat sa mga
investors gaya ni G. Ramon Ang na planong lumikha ng isang
multi-million business hub sa San Fabian, kasalukuyan ding
tinututukan ng kongresista ang pag-develop sa tourism industry ng
nasabing bayan.
Sa kasalukuyan ay tinatapos na ang San Fabian Baywalk
sa dalampasigan ng San Fabian. Seventy-five percent na ang natapos sa
nasabing baywalk, na puwedeng gamitin ng mga namamasyal o ng mga
nagbibisikleta at nagdya-jogging.
Ito ay lalagyan ng magandang soft
scape, mga halaman at ilaw upang maging kaakit-akit sa sinumang
mamasyal sa San Fabian beachfront.
Isa rin sa tinututukan ng
kongresista ang mga farm sites na puwedeng gawing tourist attraction,
gayundin ang mga pang-turismong inisyatibo ng pibadong mamamayan,
gaya ng Roheim Farm and Wellness Resort sa Colisao, ang Greentop
Organix sa Lipit-Tomeeng, ang Hobbit Farmville sa Lipit Tomeeng,
asinan sa Tiblong, Rupa-rupa sa Tiblong kung saan makikita ang
kabuuan ng Lingayen Gulf, at ang hanging bridge sa Taloy,Tempra
Guilig.
Nakatakda ring i-develop ng kongresista ang PTA Beach
resort,ang industriya ng tupig at Tupig Lane sa Damortis-Tocok road.
No comments:
Post a Comment