Friday, March 6, 2020

Sual, nanatiling top producer ng bangus sa buong Pilipinas


NANATILING “Bangus Capital of the Philippines” ang bayan ng Sual dahil ito ngayon ang top producer ng bangus sa bansa.
Sa kasalukuyan ay mayroong 750 fish cages sa Sual Mariculture Zone at kada taon ay mayroong humigit kumulang sa 50 million pirasong bangus o 25,000 metric tons nab angus na inaani sa naturang bayan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang bayan ng Sual ay nakakatulong ng malaki sa food security program ng bansa, lalo na sa Metro Manila sapagkat natutugonan nito ang 32 percent na pangangailangan sa supply ng bangus.
Ipinagmamalaki din ng Sual na ang kanilang bangus ay export-quality at paborito na rin sa Hawaii at iba pang parte ng daigdig. Ang dahilan ay ang malinis na karagatan sa bayan ng Sual.
Ang bangus galing ng Sual ay pang-export quality at ito ay nakakarating na sa Estados Unidos kung saan ibinibenta na rin ang bangus ng Sual na may “tag” pa ang mga bangus doon na “SUAL, PANGASINAN.”

 FISHCAGES abound in the flourishing town of Sual, Pangasinan.


“May sariling identity ang aming mga bangus. Basta nakita ng mga mamimili sa ibang bansa na may tatak na “SUAL, PANGASINAN” ang mga bangus ay segurado silang malinis at masarap, tama sa timbang, malaman at masarap,” sabi ng ni Ginoong Abesamis, isang fish cage operator.



Maging sa ibang parte ng Pilipinas ay alam na alam nila kung ang bangus ay galing sa Sual sapakat mas makikintab ang mga kaliskis nito at talaga namang mas maganda ang sukat at timbang ng mga ito, dagdag pa nito..
Nagutulungan ang tanggapan ni Mayor Dong Calugay sa municipal agriculture office at ang municipal environment office upang seguraduhin na napapapanatiling malinis ang kanilang karagatan.
Ang mataas na kalidad ng bangus mula sa bayan ng Sual ay patunay lamang na walang nagaganap na pollution mula nang itinayo ang Sual Coal-Fired Power Plant, ayon sa ilang residente doon..
Ang mga fish cages ay matatagpuan sa Baquioen Bay na malapit lamang sa kinatatayuan ng power plant sa barangay Pangascasan.
Matagal na sanang nawala ang mga fish cages kung may water pollution, ayon sa iba pang fish cage operators.
“Ang totoo, walang pollution sa bayan ng Sual kung kaya’t ito ay kinikilala ngayon bilang Bangus Capital of the Philippines,” dagdag pa ng mga ito. PR NEWS.
####



No comments:

Post a Comment