By Mortz C. Ortigoza
Mahigit 22 milyong pesos ang naipamahagi ng
administrasyon ni Mayor Bonafe D. Parayno sa social at livelihood programs sa
mga constituents niya dito sa thriving town noong nakaraang taon lamang.
Ani ng reelective mayor ang
mga sustainable livelihood programs na pinabigay niya para sa Pantawid Pamilyang
Pilipino (PPP) beneficiaries ay P1.15 million bigas na may 123 beneficiaries,
P3.26 million sa goat raising na may 163 beneficiaries, P520 thousand sa cattle
fattening na may 26 beneficiaries, at P60 thousand sa hog raising na may 30
beneficiaries.
RICH TOWN - Mangaldan Mayor Bonafe D. Parayno speaks before the multitude about the good things she had done to the town. Mangaldan under Parayno became one of the richest Top - 4 first class towns in Pangasinan. It has PhP312.5 million annual appropriation budget this year besting most of the 44 towns in the province. She cited one factors for the progress like the daily market day in the municipality unlike other towns that have once or twice market day a week. |
“Ang walang sawang financial assistance para sa
ating mga individuals in crisis situation ay umabot na sa halagang 3 million
pesos,” aniya.
Dagdag pa ni Mayor Parayno ang mga Senior Citizen na
tinuturing niyang mga magulang ay
nabiyayaan din ng P6 million social pension cash payout.
“Ang ating
Conditional Cash Transfer para sa 3,237 na beneficiaries ng Pantawid Pamilyang
Pilipino Program o 4Ps ay tuloy-tuloy pong tinutoktukan sa tulong ng ating mga
municipal links galing sa Department of Social Welfare and Development Regional
Office No. 1, San Fernando City, La Union,” wika nito.
Ani mayor nadagdagan pa ang 3,237 recipients ng
Unconditional Cash Transfer (UCT) ng 1,032 beneficiaries sa halagang P2
million.
Sa 1, 032, ang naunang 3,237 beneficiaries kasama
ang 1,032 recipients ay nagkakahalaga ng P8, 273, 000.
7,000 pamilya ang nabigyan ng relief goods at
financial assistance matapos hugupitin ng Bagyong Josie at Karding ang first
class and one of the richest towns dito sa Pangasinan.
READ:
No comments:
Post a Comment