Ang
pagpapatayo ng pangalawang coal-fired power plant sa bayan ng Sual, Pangasinan ay
naa-ayon sa development program ng Pangulong Duterte.
Ito
ang iginiit ni Mayor Roberto Bing Arcinue matapos mabalitaan na handang
mamuhunan ang ilang malalaking negosyante sa Pilipinas mula sa China, South
Korea, USA, Japan at ibang pang dako ng mundo.
COAL POWER PLANT |
Sa kanyang pagbisita sa China noong nakaraang
taon, ibinalita ng Pangulo na meron sampong Chinese companies ang mag-invest sa
Pilipinas na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa nine billion US dollars o 467
billion pesos.
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga
investors, lubhang kinakailangan ang sapat na supply ng kuryente sa mas
mababang halaga, ayon kay Mayor Arcinue na isa ring negosyante.
“Mahirapan ang ating ekonomiya na mapabilis
ang paglago nito kung unstable ang power supply at napakamahal pa,” dagdag ng
alkalde.
Ang
singil sa kuryente sa Pilipinas ay pangatlo sa pinakamataas sa Asia at
pang-labing anim sa buong mundo, ayon sa survey na isinagawa ng International
Energy Consultants (IEC).
Ang
isang malaking dahilan ay ang mababang power generation capacity, ayon pa sa
naturang survey.
Naniniwala
si Mayor Arcinue na ang lunas sa mataas na singil sa kuryente ay ang pagpapatayo
ng karagdagang coal-fired power plant upang magkaroon ng sapat na supply at
maiwasan na rin ang madalas na power interruption.
Mas
murang malayo ang coal-fired power plant kaysa mga tinatawag na renewable
sources of energy tulad ng solar power plant, windmill o geothermal plant.
Sinabi
ni Mayor Arcinue na ang Korea Electric Power Company (KEPCO) ay magpapatayo ng isa pang coal-fired
power plant sa bayan ng Sual na may generation capacity na 1,000-megawatts. Ang naturang
proyekto ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa two billion US dollars.
Walang
problema sa pollution dahil gagamitan ang naturang planta ng modernong
teknolohiya na kung tawagin ay ang ultra-super critical coal-fired power plant.
Ito ay nagtataglay ng “High Efficiency Low Emission (HELE) Technology” na
babawasan ang greenhouse gas emission ng humigit-kumulang sa 45 percent.
Bukod
pa diyan, sinabi ni Mayor Bing Arcinue na magbibigay ng mahigit sa limang
libong trabaho sa mga mamamayan ng Sual
ang nasabing pangalawang coal-fired power plant mula construction hanggang sa
full operation.
Aabot
sa 800 million pesos ang kikitain bawat taon mula sa naturang power plant na
paghahatian ng bayan ng Sual, ng probinsiya, at barangay kung saan ipatatayo
ito. (P.R)
No comments:
Post a Comment