Monday, November 20, 2017

Coastal Highway sa Weste, inilulunsad


Pangasinan West – TUGON sa higit pang pagpapasigla ng turismo dito ang inuumpisahan na coastal highway na babagtas mula sa Sual, tungo sa lunsod ng Alaminos, dugtong ang mga bayan ng Anda, Bolinao, Bani, Agno, Burgos, Dasol at magtatapos sa Infanta.
NANGUNA sina Congressman Jesus Boying Celeste, National Security Adviser Hermogenes C. Esperon, USEC Eduardo B. Gongona ng Department of Agriculture, Dir. Nestor Domenden ng BFAR-DA Region 1, PD Ronald Lee ng Pangasinan PNP office at Mayor Noli Celeste ng Bolinao at Alaminos City Mayor Arthur F. Celeste sa isinagawang turn-over ceremony para sa mga fishing boats, gears at iba sa mga benepisaryo mula sa bayan ng Bolinao at Alaminos City.
Ang okasyon ay ginanap sa beachfront ng El Pescador Resort and Hotel, sa Bolinao, noong November 10, 2017. (Akong Matyag)
AKDA ni Congressman Jesus ‘Boying’ Celeste, kalakip ang buklod na inisyatibo ng mga alkalde, kasapi ng mga Sangguniang Bayan, punong-barangay at konseho para ang hangarin ay maisakatuparan sa madaling panahon.

ALINSUNOD sa kanyang kahilingan at agad na naisabatas na punyagi ni Congressman Celeste na gawing parte ng mga national highways ang mga kalsada na patungo sa mga lugar na may pang-turismong taglay, ngayon ay katuwang ang Department of Tourism (DOT), Philippine Tourism Authority (PTA), Department of Agriculture (DA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mabilis na pagpapatupad sa pagkakaroon ng coastal highway dito.
Maliban pa sa mga naunang isinagawang pagsasaayos sa mga converted roads na dati ay barangay, municipal at provincial na ngayon ay parte ng national highway network na tinutugaygayan ng Department of Public Works and Highways o (DPWH).
INUUMPISAHAN na ang coastal roadlines sa Alaminos City at Bolinao para sa maagang katuparan ng hakbangin. Nasa huling proseso na ang isinasagawang plano para sa mga karatig-bayan, ang labindalawang (12) kilometrong coastal highway para sa Sual, mahigit sa dalawampung (20) kilometro sa Agno. Habang nasa survey stage ang bubuksan na roadlines para sa Bani, Burgos, Dasol at Infanta.
TINAPOS na noong nakaraang Lunes sa pulong na isinagawa sa El Pescador Resort and Hotel, sa Bolinao ang pagguhit sa planong ten-meter wide (10) concrete pavement na coastal highway sa Agno na dadaanan ang limang coastal barangay nito.
HANGAD ni Congressman Celeste na agad mabuksan ang mga roadlines para higit na mapapasigla pa ang turismo dito na ngayon ay dinadagsa ng mga turista, bisita at kababayaN. (KITZ BASILA)

No comments:

Post a Comment