Sunday, April 3, 2016

Cojuangco's speech at the Grand Rally in Lingayen

The speech of gubernatorial aspirant Mark Cojuangco in his grand rally at the public plaza in Lingayen, Pangasinan.

The mammoth rally started at 5 pm of March 28 where tens of thousands of leaders and supporters attended.

Moreover, most congressmen and mayors of the six districts and 44 towns and three cities’ province were there too to show their support to Cojuangco, vice governorship candidate Mark Roy Macanlalay, and their slate in the provincial board.

GRAND RALLY. Nationalist People’s Coalition candidate for

 governor Mark O. Cojuangco speaks in a grand rally last Monday 

at the town plaza of Lingayen before tens of thousands of leaders

 and supporters who came from the six districts’ Pangasinan province.

MORTZ C. ORTIGOZA

 

Hinde mahalaga ang talumpati ko ngayong gabi, ang pinakamahalaga ngayong gabi ang puwersa ninyo dito na nagpapakita ng lakas natin pagdating ng Mayo kung saan ang nandito ay mga lider ng bayan at siyudad na nagsipag mag trabaho para sa aking kandidatura.

Wala po tayong talo, panalo!

Masabi ko lang po sa ating kababayan, ang sasabihin ko lang po ay si Mark Cojuangco po ay merong pangarap.

Ang nais ko po na ang ating probinsiya ay magiging matamis sa mata ng mga namumuhunan para magiging investment destination ang ating probinsiya na magsama ng trabaho dito sa ating probinsiya na magbigay ng sapat na sueldo para ang tao na ibig mag sipag at magtrabaho para makamit niya ang isang disente na pamumuhay para sa kanyang pamilya at hinde na siya dapat lumayo.

 Merong ganyang trabaho na magbigay ng ganoong sapat na trabaho. No.1 po iyan. Marami pong dugtong sa pangarap ko na iyan.

Nariyan po ang agrikultura dahil sa higit pong pitu’t pong porsiyento ng Pangasinan ay umaasa sa kita ng industriya ng pagsaka at hinde ko po maintindihan kung bakit hanggang ngayon, 21st Century na ang magsasakang Pangasinense ay nagbebenta pa rin ng kanilang products bilang raw materials.

Ang ating magsasakang palay ay nagbebenta pa rin ng palay. Ang ating magsasakang maisan ay nagbebenta pa rin ng mais.

 Bakit?

 Kung hinde tulungan ng ating probinsiya na magkaroon ng pag aari ng seriyoso at malaking infrastructure pang post harvest.

Ang ating magsasaka ang kanilang mga association, ang kanilang mga samahang kooperatiba bakit hindi puwede? Na katulad ng limang probinsiya imbes palay ang ibenta ng ating magsasaka unti unti bodega, malaking bodega.

Pag nakita po ng banko na hinde masusunog, hinde mawawala, hinde mababasa, hinde mananakaw ang ating palay ang ating mais magpapautang po iyan.

90 days lang po ang ating pinaguusapan. Tatlong buwan lang na utang para magiling po natin ang ating palay, maging bigas na at ang ating magsasaka ay makikinabang sa diperensiya ng halaga ng bigas.  Ikumpara ho natin sa palay.

 At sa mais naman, sa pagiling niyan, pag ginawang feeds iyan ang pinapakain sa manok, pagpinapakain sa baboy, baboy na manok feeds na mataas din ang halaga. Imbes na binilad lang na mais.

 Sana ang ating magsasaka ang makikinabang sa diperensiya ng presyo ng finished product kaysa raw materials.

Nakita ko po iyan sa ibang probinsiya nakita ko po iyan sa ibang bansa hinde ko po nakita ang dahilan kung bakit hinde puwede mangyari dito sa ating probinsiya ng Pangasinan.

Nabanggit ni Chairman (Amadito) Perez (Jr., Chairman and Chief Executive Office of Manila Economic Cultural Office) iyang airport, iyang airport, iyang seaport.

 Iyang airport po, sana kung natapos na ang international airport natin sa siyudad ng Alaminos a-angkla sana iyan ng isang industriyang pang turismo.

Marami pong klase ng turismo. May turismo na tumitingin-tingin lang, may turismo ng relihiyoso. May turismo na gusto ng medical treatment, may turismo ng retirees, maramng klase iyan.

Ngunit anong klasing turismo iyan? Nagbibigay po iyan ng empleyado source po iyan ng dollars, yen deutschmark, iyong mga pera galng sa labas na kailangan ng ating bayang Pilipinas.

 Iyon atin pong seaport sa Sual na hindi pa rin naumpisahan isang angkla sana ng isang industriya na light manufacturing na magbigay din ng napakaraming matataas na suweldo at trabaho. Iyon po ang nagbibigay ng empleyo.

Laging pangarap ko rin po iyong lagi na matuldukan na sana ang laging nababaha na mga lugar ng ating probinsiya tuwing panahon ng tag ulan.

Sa Quinto Distrito, sa bayan po ng Binalonan, sa bayan ng Laoac, sa Siyudad ng Urdaneta, sa Bayan ng Villasis. Marami na pong lugar na natuldukan na namin ang pagbabaha. Kung iyan po nagawa ko bilang isang congressman ng Quinto Distrito na limitadung limitadung ang aming pondo.

Ang congressman po P70 million sa isang taon ang pondo.  Ipagsama ninyo po ang anim na congressmen sa boung probinsiya ng Pangasinan P420 million lang po iyan.

Ang budget po ng ating probinsiya ngayon P3 billion. Napakalaki ikumpara mo sa pera ng kongresista. Ang congressman walang tao sarile na puweding utusan para masagawa ang gusto mga ipagawa.

Nakikiusap lang ang congressman sa ating ahensiya ng gobyerno.

Ang isang gobernador po ay libo-libong tao na puwede niyang utusan gawin agad ang gusto niyang ipagawa.

Kung iyan po sa Quinto Distrito ay nagawa ko bilang isang kongresista, ano kaya ang kaya kong gawin bilang isang gobernador para sa lahat ng bayan ng ating probinsiya?

Alam ninyo mga kaibigan puwede kung sabihin na ako po ay sapat na ang aking nalalaman, karanasan na puwede po akong maging isang mahusay na gobernador sa ating probinsiya.

Ako po ay singkuenta otso anyos na.  Malapit na rin po akong maging isang senior citizen. Ang aking mga anak ay nagtapos na sa pag aaral. May sarili ng mga buhay iyong dalawa sa tatlong anak ko.

Samakatuwid po, puede ko pong sabihin na kami po ni Kimi ay naging matagumpay na magulang. Ako po ay matagumpay na ama.

Mahabang karanasan sa isang gustong mamuno sa isang probinsiya. Ngunit po wala na po kaming ini-intindi masyado sa aming mga anak dahil tapos na po sila.

Puwede po naming ibigay ang 100% na attention po namin sa pag asikaso sa probinsiya ng Pangasinan kung sakali ako po ay makarating bilang gobernador.

And so 58 years old, matagumpay na ama, may karanasan sa hanap buhay, sa negosyo, sa industriya.

Ikumpara ninyo po ako sa aking kalaban na trenta otso anyos, lumalamang po ako ng mahigit dalawang dekada sa kakayahan sa kaalaman sa karanasan.

Kaya sabihin ko na sa inyong lahat  na si Mark Cojuangco ay magiging isang mas mahusay na gobernador kay Pogi (nickname of Board Member Amado Espino III)!


-       TRANSCRIBED BY MORTZ C. ORTIGOZA

No comments:

Post a Comment