Monday, January 25, 2016

I got visions while my critics blabber – Mayor Belen



Selected reporters in Dagupan City led by political columnist Mortz C. Ortigoza of Northern Watch Newspaper  sat with City Mayor Belen Fernandez in a no- hold- bar interviews on new investors that come in the city, growth areas she looks to decongest and expand the city, the threat of cities like Urdaneta and San Fernando in La Union, and the burgeoning and neighbouring Calasiao town, the new city hall she eyes, the Comprehensive Land Used Plan (CLUP) to make the expansion possible, and the acrimonious critics who do not want her vision to materialize. Excerpts:

TOURISM. Dagupan City Mayor Belen Fernandez discusses with staff how to boost the tourism industry as come-on for more people to visit the burgeoning city. MORTZ C. ORTIGOZA


Kamusta po mayor ang investment climate in Dagupan City?

Dumating dito ang Double Dragon at in one setting lang tapos na, may permit na. Wala kaming hiningi sa kanila kahit isang sentimo. Ang kailangan ay trabaho ang ibibigay sa mga taga Dagupan, iyon lang.
Iyong Sta. Lucia (Reality Subdivision) sa (Barangay) Bulosan pumasok dito iyan kami rin ang tumulong. Ang bilis din nila nakakuha ang permit.

Ano ang city office na puwedeng mag apply ang mga investors?

City Development and Investment Board. Investment board kasi lahat ng development ng Dagupan sila kausapin ng mga investors na papasok.
Makikita mo ang Dagupan maraming nagpapatayo ng restaurants. Doon sa Perez ilan na ang nagpatayo. O, ang Matutina (sea food restaurant) nag expand na (at the New De Venecia Highway). Pag nahirapan sila sa Dagupan, as what my critics said, hinde na sila mag i-expand.

How about SM?

Si SM may binili siyang property sa Pantranco at meron siyang nabiling property sa Tambac, fishpond din iyon. So far sa ngayon hinde pa sila lumalapit pero nakausap ko na sila minsan.

Iyong bagong city hall, kailan mag start ang construction niya?

Hinihintay natin ang bagong CLUP, iyon ang kinokontra ng opposition at mga critics kasi sabi nila mababaha na daw itong Dagupan pag ni-amend natin ang CLUP.
Ang CLUP natin ay 1978 pa, di ba nakakahiya iyon? Ang Calasiao nag upgrade na, ang Urdaneta City nag upgrade na, ang La Union nag upgrade na. Naiwan na ang Dagupan City. Noong kauupo kung mayor, ang Dagupan City ay No. 78 in terms of competitiveness. No.78, di ba nakakahiya?
Noong umupo ako, nagkaroon ng infrastructures marami ang inayos. Ngayon, No.19 gumanda ang income. Pero kulang iyan e without the CLUP, walang expansion ang Dagupan City. Ang CLUP, ang ibig sabihin niyan i- amend natin ang 1978 CLUP para may growth area ang Dagupan.

Saan ang growth areas natin mayor?



Caranglaan, Tambac. No. 2 Pantal, Lucao para merong expansion ang Downtown area, business center and economic center. Ngayon, ang isang expansion. No. 3 is Bonuan Gueset and Boquig Areas. Kinokontra ng mga kalaban ko sabi nila mababaha ang Dagupan City.

Is it true that the city is below sea level?

With the help of the Chinese businessmen na pumasok, nagkaroon ng commercial area ang Dagupan. Chinese and Filipinos nag combined. So from 1945 nagkaroon ng semento. Pero from 1978 up to now wala na tayong plano.

Hinde na angkop sa development.
Kasi pag hinde natin na change iyan, kakainin tayo ng Calasiao at Mangaldan.

Iyan! Kakainin tayo ng Calasiao. Tingnan ninyo ang Urdaneta ngayon expansion sa subdivision. Ang Dagupan pag hinde nag expand wala na tayong lugar for expansion.

When will you plan to construct the new city hall?

Ang city hall tinitingnan pa natin in which area. Wala pang final. Ngayon, sinasabi nila bakit meron daw tayong plano. E siyempre mi vision tayo e. Alangan naman hinde mo ipapadrawing iyong  gusto mong mangyari. Di ba iba na ang situation ngayon compared noon.
Ngayon sabihin mo lang sa computer expert magagawa na kaagad nila hinde naman kailangan na umabot ng buwan iyan. Gusto mo three storey, four storey gusto ko gawin ang perspective, kaya na nilang gawin iyon. Iyon ang isang kinu- question nila bakit daw nagka ganoon na plano na wala pa daw CLUP, vision nga e. May direction ka dapat!


Iyong lote na papatayuan ng city hall sa inyo daw iyon?

Yaman ko naman, hinde! Alam mo hinding hinde mangyayari iyan na magbebenta ang pamilya ko ng lupa. Hinde puwede iyan. Siguro may ibang paraan hinde ko alam but later on. But never na magbebenta.

Wala pang  lote dahil proposal pa lang?

Wala pa. Sinasabi noong isang critic marami daw akong lupa, ano ba ang kasalanan ko doon (if I got lands).

Because you are a successful businesswoman?

Ay naku, hindi lang iyan. Nag start ako sa CSI  namin ang liit liit. Iyong CSI Lucao (biggest mall in Pangasinan – Editor) noon tinayo ni mayor iyan, bakit walang nagko contra. Na pagginawa ang Lucao ma decongest ang traffic sa Downtown. Anyway, hinde naman na decongest lahat.
Bakit iyong mall and bagong diversion road na vision ni Speaker Joe de Venecia, kung hinde nangyari iyon e di grabe ang (traffic) Downtown, wala ng papasok sa Dagupan City.
Ang tawag doon ay vision. Alam mo na ang mangyayari may plano ka na mangyayari, ganoon. Sila wala e, alam nila puro daldal.

Importante tuloy ang growth center for expansion.

Growth center kailangan may expansion. Tingnan mo ang SM nag-i-expand siya sa maraming lugar. Bakit iyong pinupuntahan ninyo ang lalayo. Bakit ang pinupuntahan ko Lucao noon. Sabi nila Low-cao ito, ngayon High-cao. Noon Low-cao Low-cao walang pupunta diyan sabi nila. But look at Lucao now, kasi nga we plan ahead


(To be continued)

No comments:

Post a Comment