Monday, October 19, 2015

FLASH FLOODS IN 4 TOWNS OF PANGASINAN

TYPHOON LANDO UPDATE

As of 5 am, Oct. 19

FLASH NEWS -- Dahil sa pagbuhos ng ulan kasabay ng malakas na hangin sa patuloy na pananalasa ni Bagyong Lando, nagkaroon ng flash floods sa ilang lugar tulad ng Labrador, Bugallon, Mangatarem at Aguilar.


Naka deploy na ang mga rescuers ng Pangasinan PDRRMC sa utos ni Gobernador Amado T. Espino, Jr.
Nagpatulong din ang PDRRMC sa mga ibat ibang rescue teams ng Coast Guard, Navy, Naval Contingent, Army Reservists at 702nd Brigade ng Phil. Army.
Tinawagan na rin ni PDRRMC officer Rhodyn Oro ang NDRRMC para sa karagdagan tulong.
Nahihirapan lang makapasok ang mga rescue teams sa ibang lugar dahil sa dilim, lakas ng hangin at agos ng tubig.
Asahan ng mga humihingi ng tulong na darating ang mga rescue teams sa kanilang lugar. "Help is on the way," ayon kay Col. Oro.

No comments:

Post a Comment