Friday, October 2, 2015

Cayetano, suportado ni Duterte sa pagtakbo bilang Bise-Presidente

Wala pang desisyon ang alkalde ng Davao City na si Rodrigo Duterte kung tatakbo nga ba siya bilang Pangulo sa 2016, pero suportado naman niya si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa pagtakbo niya bilang Pangalawang Pangulo. Sa isang panayam sa Davao City nitong Martes (Set. 29), sinabi ni Duterte na matagal na ang mabuting ugnayan niya sa mga Cayetano, mula pa sa senador na si Renato “Compaรฑero” Cayetano.
DUTERTE-CAYETANO? The popular Davao City mayor meets with senators Alan Peter and Pia Cayetano on September 29, 2015 in Davao City. Photo by Pia Ranada/Rappler
DUTERTE-CAYETANO. Ang sikat na Davao City Mayor Rodrigo Duterte
(gitna) at sina Senators Alan Peter and Pia Cayetano sa Davao City 
noong September 29. PHOTO CREDIT: Pia Ranada

"Kaibigan ko itong magkapatid talaga (patungkol sa magkapatid na Cayetano na sina Senador Alan at Senador Pia Cayetano) matagal ng panahon. At alam nila ang mga taga-Davao ay buo ang suporta sa kanilang pamilya,” dagdag ni Duterte.
Naghapunan si Duterte kasama ang magkapatid na Cayetano noong gabi ng Martes sa Davao, na araw din nang inianunsyo ng senador ang pagkandidato niya para sa pagka-Bise-Presidente. Kinumpirma ng alkalde na nag-usap sila ni Cayetano, na tinawag din niyang mahusay na abogado, tungkol sa posibilidad na bumuo ng tandem para sa 2016, pero nilinaw niya na wala pang pinal sa pinag-usapan. Sinagot naman ng alkalde ng Davao ang tanong kung ikakampanya niya si Cayetano, “Wipe out ang iba sa kanya.” Idinagdag pa niya na kung may pagkakatulad sila ng Senate Majority Leader, isa dito ay ang lubos na pagkakaintindi nila sa mga praktikal na solusyon para sa mga problema ng bansa, gaya ng kahirapan at ang pangangailangang pagbutihin ang ekonomiya sa pamamagitan ng sapat na imprastruktura. Ayon naman kay Cayetano, patuloy siyang nagdarasal para sa isang Pangulo na may malasakit at tapang, at may kakayahang magsagawa ng tunay na pagbabago sa buong bansa. ###

No comments:

Post a Comment