Ni Mortz C. Ortigoza
Kinumpirma ng Foreign Minister ng Iran na papayagan na nila ang pagdaan sa Strait of Hormuz ng mga barko ng mga ibat’t ibang bansa sa susunod na dalawang linggo sa ilalim ng pamamahala ng militar ng Iran, kasunod sa pagtanggap ni U.S President Donald Trump sa isang pansamantalang tigil-putukan (ceasefire), ayon sa newsreport ng Associated Press.
Matandaang nagbanta si Trump na dudurugin niya sa pagbomba ng mga hukbo niya ang mga imprastraktura ng Iran kaninang alas otso ng umaga sa Pilipinas pag hindi tinanggap ng Tehran ang kanyang 15-Point Ceasefire Agreement. Nagmatigas ang Iran at sila ay nagtagumpay na tanggapin ni Trump – na patiwarik na ang kanyang popularidad sa Estados Unidos at pwede pang ma-impeach -- ang 10-Point Ceasefire Agenda nila. Tatlo dito ay: 1. A permanent end to the war in Iran, Lebanon and Gaza with written guarantees from America; 2. The lifting of all economic sanctions; 3. Iranian control of the Strait of Hormuz and the imposition of tolls for ships passing through.
Opisyal na kinumpirma ng Supreme National Security Council ng Iran na sumang-ayon ang Tehran sa dalawang linggong ceasefire na inanunsyo ni Trump, kung saan ititigil na ang mga operasyong militar habang nagpapatuloy ang mga diplomatikong negosasyon.
Binigyang-diin ng mga opisyal ng Iran ang kanilang pangako sa pagpapatuloy ng diyalogo sa panahon ng ceasefire, at inilarawan ang kasunduan bilang isang hakbang tungo sa pagbawas ng tensyon sa rehiyon at pagbibigay-daan sa mas malawak na negosasyon sa pagitan ng lahat ng panig.
Nabanggit ng Konseho na ang pagtanggap ng Iran ay "conditional" o nakadepende sa paghinto ng parehong panig sa mga opensibong operasyon at paghahanap ng diplomatikong resolusyon. Binigyang-diin nito ang posisyon ng Tehran na ang diyalogo ay krusyal sa paglutas ng krisis at pagprotekta sa pambansang interes.
No comments:
Post a Comment