Ni Mortz C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan - Magpapagaan ng mga gastusin ng mga taga Pangasinan pag naipatupad na ang programa ni Governor Ramon V. Guico III na magkakaroon ng electric buses at Transport Network Vehicle Service (TNVS) na babaybay sa mga daang-bayan ng higanteng lalawigan.
“This is a sample of a twelve-meter full electric city bus so low floor siya, forty person sitting capacity and forty standing”, ani Governor Guico noong State of the Province Address (SOPA) niya noong masambit niya ang Electronic Vehicle-Bus Rapid Transit (EV-BRT).
“Ito po iyon mga ride hailing transportation using TNVS. Ibig sabihin kung kayo po ay nandito, gagamitin niyo lang po and app at susunduin kayo at ihahatid kayo kung saan kayo pupunta”.
Sa pagsabog ng giyera ng Amerika at Israel kontra sa Iran sa Gitnang Silangan (Middle East) noong huling araw ng Pebrero at lumaganap sa buwan ng Marso at kumaladkad sa krisis halos sa mga tao sa buong mundo kung saan siyám napût porsyento (90%) ng langis ng Pilipinas ay naka-depende, sinabi ng Punong Tagapagpaganap ng probinsya ang apat napû’t ápat na mga bayan at tatlong lungsod na lalawigan na kahit hindi kontrolado ng mga Filipino ang krisis sa mundo “pero kontrolado natin kung papaano tutugon’.
“As sa Pangasinan hindi po tayo nagpapahuli. Tayo ay laging naghahanda dahil ang magaling na liderato ay hindi lang para sa ngayon kundi ang magaling na liderato ay para sa kinabukasan”.
VICE GUV MARK
Sinabi ni Vice Governor Mark Ronald Lambino sa
writer na ito na sampung e-bus ang papasok sa lalawigan ngayong taon pero
mauuna muna ang anim na mga unit sa susunod na dalawa o tatlong quarter.
“I think the Governor natin they
are looking around ten but on initial six ang e-deliver on the next two or
three quarters”.
Ang papel ng Guico Administration, aniya, ay
maghanap ng mga ruta para sa mga sasakyang ito at ilalakad para maiapruba ng
national government.
“We are proposing additional routes using electronic vehicles sa probinsya of course under the regulation of the LTFRB (Land Transportation, Franchising, and Regulatory Board) and DOTR (Department of Transportation)”.
Nakikipag lobby rin ang provincial government
sa mga supplier ng enerhiya gaya sa mga may ari ng mga higanteng solar plants
sa lalawigan para malagyan ng mga charging stations sa mga piling lugar sa
lalawigan.
Ang nakikitang mga bagong ruta ay magmula sa
Kapitolyo sa Lingayen papunta at vice versa sa Sison, Binalonan, Urdaneta City,
Villasis, at SM Rosales.
“Mga kabaleyan, tayo po ay nakikipag-ugnayan na sa Department of Transportation o DOTR upang magsagawa ng pag-aaral sa pagpapatupad ng Electronic Vehicle Bus Rapid Transit o ang EV-BRT sa ating lalawigan kung saan mayroong limang initial route ng EV-BRT sa Pangasinan., ani Governor sa sang post Aniya sa Facebook.
MABABANG PAMASAHE
Naisulat sa blog na ito na mas mura ng halos kalahati ang pamasahe sa electric vehicle kumpara sa traditional na de-petrolyong sasakyan.
Nagbayad lang ang isang taga
Pangasinan ng P110 sa VinFast taxi o Green GSM sa 20 minutong sakay mula sa BGC
hanggang Ayala sa Metro Manila.
Ani ng pasahero P200 na iyan sa
Grab Taxi.
Kung yung 12 kilometers na takbo ng Grab ay
ang gastos ng may ari sa gasolina ay P94 kada litro, sa Vinfast P12 per
kilowatt hour lang sa kuryente, aniya.
No comments:
Post a Comment