Ni Mortz C. Ortigoza
MANAOAG, Pangasinan – Puspusan ang
paghahanda ng mga kawani ng local na pamahalaan dito hinggil sa Abril 22 na
higanteng kaganapang Centennial Canonical Coronation of Our Lady of the Holy
Rosary of Manaoag.
Ayon kay Mayor Jeremy Agerico Rosario, abala ang mga medical at security team para sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto, na tinatayang aabot sa humigit-kumulang isang milyon.
Binigyang-diin din ni Mayor Rosario na inaasahang magiging mainit ang panahon sa araw ng selebrasyon, kaya’t pinaalalahanan ang publiko na magdala ng sapat na tubig, payong o anumang panangga sa init at ulan, at pangalagaan ang kanilang kalusugan.
“I was eight years old kid (in
1975) when the Golden Jubille Coronation was done at nakita ko ang (dami ng)
tao dito lalo na ngayon. Jubille is 50 years, 100 years’ coronation ang Our
Lady of Manaoag. So magtatayo po ng malaking altar sa harap ng facade (ng
simbahan) and of course mayroon pong ceremonial coronation,” ani
Alkalde.
Aniya magmula sa mga hotel dito
hanggang Dagupan City “dito (halos) fully booked na” ng mga pilgrim sa nasabing
higanteng kaganapan.
“Mga kamag-anak namin sa abroad
will be coming here for the event. Magpa reserve na po tayo how can we access
Manaoag on that big date”.
Aniya ang event na ito ay
collaboration ng kanyang pamunuan, Department of Tourism, Provincial Government
of Pangasinan sa liderato ni Gov. Ramon V. Guico III, mga pari ng Dominican
Orders of ng Our Lady of Manaoag.
“Ang lead convenor ng
preparation na ito is (Lingayen-Dagupan in Pangasinan) Archbishop Sol Villegas
so busy lahat ng preparasyon…,” dagdag ng medical doctor na alkalde.
Ani ng AI Overview: “Our Lady of
the Most Holy Rosary of Manaoag refers to the Catholic title for the Virgin
Mary venerated in Manaoag, Pangasinan, Philippines. The image is a 17th-century
ivory statue that is considered miraculous, attracting many pilgrims (from all
over the country and abroad) to the town's minor basilica. She is also locally
known as "Apo Baket" and is a significant religious and cultural
icon”.
No comments:
Post a Comment