Wednesday, April 2, 2025

Walang CS Law na Nalabag; Hindi Kawani ng Munisipyo Iyong Tao

 Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Mariing pinabulaanan ng babaeng alkalde sa mayamang bayan na ito na isa sa kawani ng local na pamahalaan ang may hawakhawak na poster ng kalaban niya sa pagka alkalde at nagsasayawsayaw at nagsisigaw na talo na ang karibal.


REELECTIONIST Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno (red arrow above) mingles with her consituents while her mayoralty opponent Vice Mayor Mark Stephen Mejia poses at the right photo.


Matapos batikusin ng mga mediamen at bloggers ang kanyang pangasiwaan, ani Mayor Bona Fe D. Parayno: “as a government institution committed to upholding the election laws of the Philippines and Civil Service Rules and Regulations, LGU Mangaldan cannot over emphasize the importance of political neutrality in the government service bureaucracy”.

Sinabi ng alkalde na nag-isyu siya ng Memorandum isang araw o noong Marso 27 bago magsimula ang 45-araw na campaign period para sa mga kandidato sa local eleksyon sa Mayo 12 na ipinagbabawal ang pakikilahok sa electioneering o political partisan ayon sa Commission on Election (COMELEC) – Civil Service Commission (CSC) Advisory on Electioneering and Partisan Political Activities (Joint Circular No. 1, s. 2016).

Nagsimula itong pangangatiyaw kuno ng kawani ng munisipyo noong na nabidyuhan ang isang lalaki na hawakhawak ang poster ni mayoralty candidate Vice Mayor Mark Stephen Mejia at pasayawsayaw at pasigawsigaw na hindi raw mananalo si Mejia.

Kung talagang empleyado iyong lalaki ng munisipyo ilabas ng mga nagbabatikos ang dokumento na isa siyang kawani para masampahan na kaagad ng administratibong kaso sa Civil Service.

Ilabas na rin iyong bidyo at hindi na lang puro talak na napaghalataan tuloy ng karamihan na paninira lang sa kay Mayor Bona Parayno.

“It is unfortunate that an employee of LGU Mangaldan has been wrongly tagged in the aforementioned report even to the point of redicule when addressing the gender orientation of the employee,” ani Mayora sa maling akusasyon at pagiinsulto sa isang empleyado dito na hindi naman iyong taong naninira kay Mejia.

Ang mga paglabag sa Comelec-CSC Advisory ay ang mga sumusunod:

  • Forming groups, associations, or committees to solicit votes or campaign for/against a candidate.
  • Holding political rallies, caucuses, meetings, or parades for election campaigning.
  • Making speeches, announcements, or media commentaries to support or oppose a candidate.
  • Publishing, distributing, or displaying campaign materials promoting or opposing a candidate.
  • Directly or indirectly soliciting votes, pledges, or support for a candidate or party.
  • Using government resources—such as time, personnel, facilities, and equipment—for political purposes.
  • Providing financial or material contributions to candidates or political parties.
  • Wearing campaign-related shirts, pins, caps, or accessories, unless authorized by the Commission on Elections (COMELEC).
  • Serving as a watcher for a political party or candidate during the election.

Ang mga kaparusahan ay ang mga sumusunod:

Government employees who engage in prohibited partisan political activities may face administrative sanctions under the 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RACCS):

  • First offense: Suspension of one (1) month and one (1) day to six (6) months.
  • Second offense: Dismissal from service, including loss of benefits and disqualification from future government employment.

Nanawagan si Mayor Bona sa mga mediamen na sundin ang “journalistic standards and verify information” first bago bumanat.

Tuesday, April 1, 2025

Esteves, Sumera Acting Mayor, VM ng Urdaneta City

 KAPWA MAMBABATAS NA NAGMATIGAS MAKAKASUHAN 

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

URDANETA CITY – Matapos ang halos tatlong buwang pagkaantala ng mga konsehales dito kung sino sa kanila ang hahalili sa sinuspendidong alkalde at bise alkalde, tinanggap na rin ng dalawang mambabatas noong Marso 28 ang Designation Order sa kanila ng Department of Interior and Local Government (DILG).

ACTING MAYOR. Urdaneta City Acting Mayor Rio Esteves (left) and Acting Vice Mayor Doc Bles Sumera.

Matapos pirmahan noong Marso 26 ang Order ni DILG Secretary Jonvic Remulla, si Rio Esteves at Doc Bles Sumera ay pormal na ring pumirma ng kanilang Acceptance Letter sa opisina ng alkalde dito noong Marso 31 na sinaksihan nila City Councilors Amado O. Veridiano, Onofre C. Gorospe, Aurelion L. Agsalud, Sr., Warren Andrada, at City Local Government Operation Officer Richard S. Real.

Pagkatapos ay inihayag na rin sa araw na iyon kung saan merong flag ceremony ng dalawa sa mga kawani ng pamahalaang panlungsod ang pagtanggap nila ng Letter.

Sa sipi ng liham ni Region 1 DILG Director Jonathan Paul L. Leusen, Jr. kay Remulla, sinabi niya: “Further, with the official assumption of local officials as Acting Mayor and Vice Mayor, may we earnestly request guidance on what will be the next action for the PNP Personnel manning the old and new city hall of Urdaneta City, Pangasinan.”

Si Esteves at Sumero ay numero otso at numero siyam sa labingdalawang mambabatas dito. Nahaharap ang mga kasamahan nila sa kasong Dereliction of Duty sa hindi pagtanggap ng utos ng DILG noong Enero pa na palitan nila pansamantala si Mayor Julio F. Parayno III at ang pinsan niyang si Vice Mayor Jimmy Parayno.

Ang labingdalawang konsehales ay kaalyado ng mga Parayno.

Si Mayor Parayano at Vice Mayor Parayno ay nakasuhan ng kasong Grave Abuse of Authority at Grave Misconduct na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Enero 3, 2025. Sinuspende sila ng Office of the Philippines President ng isang taon magmula noong Enero 7 noong isinilbi ng DILG sa tanggapan ng dalawang Parayno.

Kahit na binarikadahan na ng mga kapulisan ang tanggapan ng dalawa noong Pebrero 4 ay patuloy pa rin silang nagsisilbi ng tungkulin nila. Ang pagmamatigas ng dalawa na bumaba ay magiging dahilan na sila ay makakasuhan ng Usurpation of Authority or Official Functions (Article 177 Revised Penal Code) at Falsification of Public Documents (Article 171).

Binalaan ni Atty. Romeo P. Benitez, Undersecretary for External, Legal and Legislative Affair, si Councilors Francis del Prado at Warren Andrada ang numero uno at numero dos  na may pinakamaraming boto na nanalo sa Mayo 2022 eleksyon noong mga nakaraang buwan na ang kabiguan nilang sundin ang utos ng batas na umupo sila sa nasabing pwesto ay maging “ground for criminal and/or administrative sanction”.

Ang kasong administratibo ng dalawang magpinsang Parayno ay hango sa “OP-DC Case No. K-090 entitled Michael Brian M. Perez vs. Mayor Julio F. Parayno III and Vice Mayor Jimmy D. Parayno” kung saan ni indefinite suspended ni Mayor Parayno si Liga ng mga Barangay (LNB) President at San Vicente Punong Barangay Perez dahil sa June 14, 2022 na Manifesto ng 33 sa 34 na Punong Barangay ng lungsod na ito para alisin siya na LNB President.