Tuesday, April 16, 2024

Si VG Lambino na ang Gustong Makalaban ni Urdaneta Mayor

FINAL ANNOUNCEMENT SA AUGUST

Ni Mortz C. Ortigoza

Inihayag sa isang press conference sa Urdaneta City kahapon na tatakbo sa pagka bise gobernador ang kontrobersyal na Alkalde nito pagmaganda ang survey results niya dito.

Ani news reporter Ed Gonzales na andoon sa press meeting, sinabi ni Parayno sa mga reporters na may balak siyang tumakbo sa nasabing pusisyon.

Urdaneta City Mayor Julio "Rammy" Parayno III (left) and Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino.

“Kung sakali man na bahagya lang ang diperensiya sa pagtakbo sa mayor mapipilitian akong tumakbong vice governor,” ani Parayno sa isang video, “Nagkaroon ako ng dream na mag preside ng Sangguniang Panlalawigan at ito ay naging forte ko noong ako’y vice mayor ng Urdaneta”.

Nagpatawag si Parayno ng mga media men sa kaniyang opisina kahapon ng alas tres para sagutin ang batikos sa kanya ni Pangasinan 5th District Congressman Ramon “Monching” Guico, Jr. na siya ay kurap at wala siyang nagagawang maganda sa Urdaneta, bilyong peso ang utang ng siyudad sa pamumuno nito, nagagalit daw siya tuwing may flag ceremony sa mga government workers niya, babaero daw siya, at merong maliit na ari.

Hindi kaila na makakalaban ni Parayno sa reelection niya si Maan Guico – maybahay ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III – matapos mag pa register as new voter siya sa Urdaneta noong March 14 para matupad ang requirement sa batas na one-year residency bago ang isang dayo na galing sa Binalonon, Pangasinan makatakbo sa pagiging alkalde ng 34 villages na siyudad kung saan 16 na Kapitanes ay pro Maan Guico na.

Nakikita ng mga experto na isang Herculean na gawain na labanan ni Parayno si Maan lalo walang nakikitang makakalaban ang kanyang mister sa pagka gobernador sa susunod na taon na eleksiyon.  Kaysa gumastos siya ng milyon-milyon kontra sa Guico, makakalibre daw siya sa gastos pag nilabanan niya si reelective Vice Governor Mark Ronald Lambino.

“Happy ako noong inoffer sa akin iyan parang…may certain degree of happiness o brightness or parang alam mo iyong ito na iyon it is a destiny or a fate,” dagdag niya pa.

Maniniwala ang karamihan, gayunpaman, na hindi ito pakana ni Parayno para maiwasan ang mainit na isyu sa kanilang dalawa ni Cong. Monching kung siya ay makikita ng mga taga Pangasinan na umiikot na sa 44 towns at 3 cities na lalawigan para matupad ang pangarap niyang maging No.2 man ng provincial government.

Hinamon ni Parayno si Cong. Monching dati sa pagiging alkalde ng Urdaneta pero ni kontra hamon din siya ng huli na maglaban sa congressional seat ng 5th District.

“Parayno was once a presiding officer in his home town as elected vice mayor in this city and during his stint years as head of the Sangguniang Panlungsod  (city lawmaking body) he performed extra-ordinary results in parliamentary procedures,” dagdag ni Gonzales.

Si two-term mayor Parayno ay nagtapos ng Bachelor of Arts sa Political Science major in Parliamentary Rules at Bachelor of Laws sa University of Pangasinan kung saan naging professor si Duterte Administration Secretary Raul Lambino – ama ng kasalukuyang bise gobernador – doon ng matagal.

Kung naging guro ni Parayno si Lambino sa Political Law at Constitution malamang gagamitin ni Mayor ang natutunan niya galing sa ginagalang na academician sa pangangampanya niya at sa pagiging presideng officer sa Sangguniang Panlalawigan (provincial legislature) kung paano tutulungan niya ang Guico Administration at ang pro Guico lawmakers doon -- iyon kung manalo siya sa May 12, 2025 election – to hammer laws.

“He said as of now he is conducting a survey whether or not he will continue his dream to run for Vice Governor and appeal to the Pangasinanses that he should be given up to August to finally decide after the survey result has come up”

Pag hindi daw pabor kay Mayor ang survey tatakbo na lang siya sa last reelection niya kasama ang kanyang congressional candidate na si dating Pangasinan Governor Pogi Espino na makakasagupa ni Cong. Monching.

***

Noong mag krus ang landas ni Lambino at Cojuangco kamakailan sa Bagoong Festival sa Lingayen, sinabihan ng huli ang una na hahanapan niya ng kalaban sa pagiging bise gobernador si Lambino.

Itong pangyayari ay ayon sa insider ng diyaryong ito sa Lingayen na nagsabi na masama pa rin ang loob ni Cojuangco matapos magpatawag noong September 2023 si Lambino sa mga miyembro ng provincial board para imbestigahan ang illegal na P75 million na seawall sa Lingayen na panukala ni Cojuangco na gawin ng Department of Public Works & Highway.  

No comments:

Post a Comment