MATAPOS TALUNIN NI MAYOR SI EX-CONG. CELESTE SA BATTLE ROYAL
Ni Mortz C. Ortigoza
SUAL, Pangasinan – Nagparehistro dito kamakailan lang si dating Pangasinan Board Member Arthur Celeste, Jr. para agawin ang trono ng nakaupong mayor ng pinakamayamang bayan sa buong Pangasinan.
Former Pangasinan Board Member Arthur Celeste,Jr (left) and burgeoning town mayor Liseldo "Dong" Calugay. |
Tinalo noong May 9, 2022 sa isang
magarbo at maingay na mayorship election dito ni two-term mayor Liseldo ”Dong”
Calugay ang tiyuhin ni Celeste na si dating Pangasinan 1st Disrict
Cong. Jesus “Boying” Celeste.
Si Celeste ay pinalitan bilang
pinuno ng Philippines Councilors League - Pangasinan Chapter (PCL-PC) ni Carolyn
Dizon-Sison kung saan awtomatiko siyang naging ex-oficio na miyembro ng
provincial board matapos maghain ng resignation letter sa opisina ni Vice
Governor Mark Ronald Lambino si Celeste sa pagiging Board Member ng Pangasinan
1st District.
Nanalo si Celeste sa PCL–PC election
kontra kay Councilor Antonio Perez ng San Manuel, Pangasinan noong September 9,
2022 kung saan siya ang naging pinuno ng 47 na mga bayan at mga siyudad sa
lalawigan na may mga PCL chapters.
Bago magpa rehistro dito, nagbitaw muna si Celeste bilang elected city councilor ng Alaminos City dahil iyan ay naaayon sa batas bago ang isang Filipino ay maging kandidato sa alin mang elective public pusisyon sa ibang bayan.
Ayon sa Local Government Code of
the Philippines ang isang “elective local official must be… a registered
voter in the… town…; a resident therein for at least one (1) year immediately
preceding the day of the election… (Section 39)”.
Ang batang wannabe mayor na kandidato dito ay anak ni Pangasinan 1st District Cong. Arthur
Celeste, Sr.
Ang namumuong labanan dito ay nakikita
uli ng mga political experts na isang battle royal matapos gapiin ni Mayor
Calugay si dating Congressman Boying Celeste sa isang magarbo, maingay at
magastos na election noong May 9, 2022 kahit na daang milyong pesos ang bumaha
dito sa projects at social services galing sa pondo ni Congressman Noli
Celeste.
Nakakuha si Calugay ng API ng
14,735 boto habang si dating congressman Celeste ng Nationalista Party ay merong
12, 125 na boto.
Matapos manalo na vice mayor ng
matandang Celeste si incumbent Vice Mayor JC Arcinue, siya ay pinagpapalagay ng
diyaryong ito na maging tandem uli ng batang Celeste sa susunod na taong
election noong makita siyang kasama si Arthur Jr. noong nag file ito nag voter registration dito.
No comments:
Post a Comment