Friday, April 5, 2024

Kinapos sa Bilihan ng Boto

By Mortz C. Ortigoza

Nadaan ako sa political kingpin ng isang bayan na dating alkalde. Sa huntahan namin tinanong ko siya kung magkano ang pakurong o vote buy niya kada botante noong eleksiyon.

“Sa pagka mayor P150 lang kada botante pero ang kalaban namin P500. Nagbenta kasi siya ng bahay at lupa na nagkakahalaga na P130 million”.

Photo credit: RMN

Kahit na tag P500 kada isa ang bilihan ng kalaban nila, ang mayor na kamag anak ng dating alkalde ay nanalo pa rin ng landslide noong May 9, 2022 eleksyon.

“Mahal kami ng mga taga dito at alam ko na na kahit maliit lang ang pondo namin mananalo pa rin kami sa kalaban naming mapera, ” saad niya.

Ilang beses na nangyari itong “lopsided” na pakurong noong tumatakbo si alkalde sa mga naunang termino niya pero nananalo pa rin siya at luhaang tinatangap ng mga kalaban niya ang mapait na katotohanan  ng pagkatalo.

***

Pero iba ang sitwasyon, ani dating alkalde, sa dalawang provincial candidates na nagsalpukan sa bayan nila. Sabi niya natalo si incumbent dahil sa mga kadahilanan na sumusunod:

Una: Kulang na kulang sila sa budget sa vote buying. Isang linggo bago mag eleksyon namimili sila ng P300 kada botante habang ang challenger ay namimili ng P700 na;

Ikawala: Iyong mga kamag anak ng incumbent na namimili ng boto kung hindi maaga pa silang umuuwi sa ibang bayan minsan nakikita silang naguumpukan sa isang sulok.

Mukhang pinaghahatian nila iyong pambili ng boto,” ani dating alkalde.

Naalaala ko tuloy iyong mataas na national politician na nakatira sa Dagupan City na kung saan ang anak niya ay tumatakbo sa Senado. Sabi ng matanda iyong mga kabataan na isinasakay  nila ang mga tarpaulin na malalaki at decals sa truck ay papunta ng Isabela para maglagay ng mga tarpaulin doon. Pero sabi noong isang taga pagsabit ilang buwan na ng matapos ang eleksiyon, sa beach sa isang beach sa Pangasinan sila pumupunta at pinagiinom nila ang budget sa krudo, hotel at pagkain na dapat gastusin sa Isabela.

“Masarap ang buhay namin noon. May sueldo na sagana pa ang budget sa inum,” pagmamalaki pa niya sa akin.

Kaya pala natalo sa Senado ang anak ng bigtime politician na hundreds of millions of pesos din ang ginastos sa national TV ads at iba pa;

Ikatatlo: Balik tayo doon sa incumbent na P300 versus sa challenger na P700. Ani ng source ko, first wave sa vote buying lang iyong P700 dahil ang second wave ni challenger ay sinundan pa ng P500 kada botante o P1,200 bawat bobotante lahat lahat na.

Kaya tama iyong kuwento ng isang malaking pulitiko na ang talunan na dating incumbent o  sinumang miyembro ng pamilya niya ay wala ng kakayahang tumakbo sa provincial wide eleksyon dahil noong 2022 poll pa lang ay kinapos na sila sa budget.

“Walang tatakbo sa kanila dahil noong last na eleksyon halos said na sila sa pondo,” aniya.


No comments:

Post a Comment