Sunday, April 14, 2024

Prosti ang Nagkalat na Maliit ang Ari Ko – Urdaneta Mayor

MATAPOS SIYANG MAKIPAG-SEX DITO

By Mortz C. Ortigoza

Inamin sa isang panayam ni Urdaneta City mayor na galing sa bayarang babae na naka sex niya ang pagkakalat sa mga customers niyang mga pulitiko na maliit daw ang ari niya.

“Hindi ko itinatanggi na nakakatalik ko rin ito dati at ito ay kasalanan ko sa aking asawa na pinagsisihan ko na rin. Nahinto ang pagkikita namin mula noong April ng 2023,” ani Mayor Julio “Rammy” Parayno III sa telephone interview sa kaibigan niyang reporter at blogger na si Renato “Atong” Remogat.

TRYST. Urdneta City Mayor Julio "Rammy" Parayno III and a file photo of an anonymous seductive woman.

Sa Facebook Account ni Remogat ngayong araw na ito, sinabi ni Parayno na ang dating naka relasyon niya ay isang high class escort girl, sexy at maganda na si K.N na taga-Villasis na ang mga parokyano nito ay mga batang mayor sa Pangasinan.

Ang gawain nito ay siraan ang Mayor na nakakatalik niya kapag hindi naibigay ang gusto niyang pera. May mga nabanggit na rin siyang mga batang Mayor sa akin na sinisiraan niya na kapag hindi nila naibibigay iyong gusto niya, pero never kong ipinarating sa mga Mayor ang mga bagay-bagay gaya ng malilit daw ang itits nila, dahil hindi ko naman alam ang personal na katawan nila,” dagdag ni Mayor.

Si K.N ay pamangkin ng kilalang illegal drug peddler sa Villasis na nahuli ng mga pulis sa bayan ng San Manuel na nagbebenta ng druga.

Nagalit daw ang prosti na girlfriend ni Parayno dahil ayaw niyang tulungan ang una na makalabas sa kulungan ang tiyuhin na pusher.

“Dahil sa hindi ko pagtulong nagalit ito at hindi na nagpakita. Gaya ng sabi ko sigurado akong siniraan din niya ako kina Mayor CW at Mayor VD gaya ng paninira niya na maliit ang itits (ko) hehe,” ani Mayor.

Sina Mayor C.W at Mayor V.D, dagdag ni Parayno, ang mga exclusive na may alaga sa first class na prostitute ngayon.

Pero di masabi ni Mayor kung alam ng dalawang batang mayor na pareho silang ginagatasan ng tusong si K.N.

 “Ayon sa kaibigan ni K.N, mas paborito raw niya si Mayor CW dahil malaki magbigay ng pera”.

Ani Parayno na si Mayor C.W ang nagkuwento kay Pangasinan 5th District Congressman Monching Guico na maliit ang ari niya (Parayno).

Kaya nga natawa ako ng malaman ko iyan sigurado akong si Mayor CW ay naniwala kay K.N at ito naman ay ikwenento rin niya kay Congressman. Parang batang naniwala agad sa kuwento si Congressman,” sabi ni Parayno kay Remogat.

Ang isyung maliit ang ari ng Urdaneta Mayor ay nagsimula kamakailan lang noong nagpatawag si Congresmman Guico ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) of Urdaneta sa tahanan niya sa Binalonan, Pangasinan.

Ani Remogat sinabi daw kay Parayno ng ibang miyembro ang patutsada ni Congressman Monching na corrupt at wala siyang nagagawang maganda sa Urdaneta, bilyong peso ang utang ng siyudad sa pamumuno nito, nagagalit daw siya tuwing may flag ceremony sa mga government workers niya, babaero daw siya, at merong maliit na ari.

Andito sa ilalim ng news article na ito ang screen shots ng blog ni Remogat na may pamagat: Parayno Nagsalita na Laban sa Paratang ng mga Guico.




No comments:

Post a Comment