Wednesday, January 17, 2024

Gold Standard’s SGLG, Pala-os na Ba?

By Mortz C. Ortigoza, MPA

Hindi ninyo ba napansin na sa huling pagawad ng Seal of Good Local Governance (SGLG) na kinikilalang gold standard sa lahat ng mga papuri sa mga local government units sa probinsiya, siyudad at mga bayan, kakaunti lang ang mga pumasa o sumali noong nakaraang taon?

Tingnan ninyo kung ilang porsiyento lang ang pumasa: 28 out of 82 provinces, 64 out of 149 cities, and 401 out of 1,485 municipalities sa buong Pinas. Sobrang liit ng mga nanalo mga kabayan: Halos one-third, more than one-half at almost one-fourth lang passed those in the provinces, cities and towns, respectively. Napa Inglis tuloy ako, hehehe!


Buong yabang na pinagmamalaki ng mga alkalde at gobernador ang pagawad na ito sa pamamagitan ng naglalakihang tarpaulin na winawagayway nila sa mga public places na nagsasaad kung gaano kagaling ang pamamalakad nila noong  2022 para makamit ang karangalan noong 2023.

PROVINCIAL GOV’T

Nakausap ko ang isang mataas na opisyal ng lalawigan (province) na kaya nilang manalo ng SGLG pero pinili nilang di na tugunan ang mga kinakailangan para sila ay mabigyan ng Gold Standard.

Ito ang seven governance areas needed na dapat makamit bago manalo: Financial Administration; Disaster Preparedness; Social Protection; Peace and Order; Business Friendliness and Competitiveness; Environmental Protection; and Tourism, Culture and the Arts.

Tingnan ninyo ang requirement sa Disaster Preparedness, dapat 70% ng 5% (ayon sa sinasaad ng Local Government Code) na budget kada taon sa kaban ay dapat tuparin,” ani ng mataas na opisyal sa akin.

Ang 5% ng isang probinsiya na merong P5 billion na annual budget ay P250 million. Ang 70% niyan na kailangan gastusin sa Calamity Fund or Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) ay P175 million.

Ilan ang award pag nanalo ang isang province sa SGLG? P4 million laang mga katoto, sobrang barya lamang! Talo ang kaban ng P171 million!

Iyang mga concern na iyan na dapat bilhin o gastusan ay training, life-saving rescue equipment gaya ng life jackets, speed boat, vehicles, others.

Taon taon ay dapat mabili o magawa iyang mga nakasaad sa sinulat ko sa itaas. Paano kung noong taong 2019, 2020 at 2021 ay nakabili na ng life jackets, speed boat, vehicles?

  Di ba extravagance at duplicity na sila? Baka malunod ang mga taga LGUs sa dami ng mga gamit na iyon, hahaha!

CITY GOV’T

Ang siyudad na merong P1 billion na budget noong year 2022 ay kailangan gumastos ng P35 million o 70% sa P50 million (5% LDRRMF) niya

Magkano ang parangal sa Gold Standard? P2.3 million lang. Talo ang kaban ng P32.7 million!

MUNICIPAL GOV’T

Ang bayan na merong P400 million na budget noong year 2022 ay kailangan gumastos ng P15 million o 70% sa P20 million (5% ng LDRRMF) niya.

Magkano ang award sa SGLG? Isang measly P1.8 million lang. Talo ng P13.2 million ang LGU.

PALAOS NA ANG SGLG AWARD?

Mukhang palaos na itong SGLG kasi madami na ang hindi nanalo at ang suspetsa ko ay may parehang argumento ang mga punong ehekutibo na wag na sumali sa Gold Standard ex-ex na ito dahil malaki ang talo sa savings na mas mabuti pang e realigned sa social services, kalsada at iba pa para makatulong sa maraming maralitang constituents.

Pag maraming mahihirap na natulungan ang Punong Ehekutibo, e di maraming botong makukuha sa kanyang reelection.

Aanhin mo ang gold standard kung matatalo ka rin lang sa susunod na eleksiyon dahil hindi naman naiintindihan ng karamihan ang bigat ng dating ng gantimpala na iyan. Sa kanila, di nila makakalimutan ang libreng gamot, ospitalisasyon at pamasahe na limang daang peso papunta sa mga kamag anak nilang namatay sa ibang probinsiya o siyudad.

Sabi ko nga sa mataas na opisyal: Isang mayamang bayan na talo sa SGLG at isang sobrang hirap na bayan na may ipinagyayabang na Gold Standard, iyong tao mas pipiliin iyong mayaman dahil marami silang benipesyo kesa mapunta lang ang malaking halaga sa Calamity Fund na paulit ulit na lang na pinapagawa ng Department of Interior & Local Government.

SGLG Gold Standard, palaos na ba Secretary Benhur Abalos?

No comments:

Post a Comment