Wednesday, January 24, 2024

Wala ng Yearly Registration Fee sa BIR

By Mortz C. Ortigoza

Wala ng babayaran na annual registration fee ang mga tax payers sa Bureau of Internal Revenue (BIR) magmula January 22 ngayong taon.

TAXMEN. Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui (left) and central Pangasinan's Revenue District Office No. 4 Chief Aldrin Camba. 


Sa advisory na ibinaba ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na pinahihinto na ang tax agency sa pagkulekta ng annual registration ayon sa Republic Act No. 11976 or the Ease of Paying Taxes Act na nilagdaan ni President Ferdinand R. Marcos, Jr.

Dahil dito ang mga negosyante ay di na kailangan mag file ng BIR Form No. 0605 na may kaukulang bayad na P500 bago o pagdating ng January 31 kada taon.

Ani ng hepe ng BIR central Pangasinan na si Revenue District Office No. 4 Chief Aldrin Camba na wala na silang babayaran pag nagparehistro ng kanilang mga negosyo.

“Ganoon din sa mga registered na iyong mga negosyo nila, iyong yearly na binabayaran nila na registration fee is mawawala na rin iyon”.

Ani ng BIR na mananatiling valid ang mga pinaghahawakan ng mga taxpayers na Certificate of Registration kasama ang mga registration fee.

“Bahala na ang mga taxpayers kung papalitan or e update nila ang certificate nila kung kalian nila gusto”.

Para magawa ito kailangan nila pumunta sa BIR kung saan sila na register bago o sa December 31, 2024 at isuko nila ang old Certificate of Registration para sa kailangan na update o replacement.


No comments:

Post a Comment