Tuesday, January 23, 2024

Pinagkaiba ng Street Party sa Mangaldan, Lingayen Kontra sa Dagupan

 By Mortz C. Ortigoza

Ang pinagkaiba sa street party sa Mangaldan at Lingayen kumpara sa Dagupan City ay mas pro – business sila sa huli base sa ginanap at gaganapin nilang kapistahan.

Ang nalalapit na pagdiriwang sa Mangaldan at Lingayen ay gaganapin sa malapit sa pinaka- merkado nila habang sa Dagupan ay ginaganap ito malayo sa pinakapalengke.

SEA OF HUMANITY that attended the street party in the Mangaldan Town Fiesta & Pindang Festival held March last year at the heart of the Poblacion.


MANGALDAN

Sinabi ni General Services Officer Fernando Saguisag A. Cabrera – isa sa mga punong tagapangasiwa ng street party sa taong ito - ito ay may sampung stages na magsimula sa CSI-Mangaldan papunta sa Cela Barrozo Restaurant.

Ani Cabrera may sampu ring banda na ilalagay sa bawat stage sa March 8 na Kalutan, Tugtugan tan Sayawan ed Dalan.

“Kasi dito iyong mga business establishments matutulungan mo rin. Meron ding proposal doon sa Angalacan sabi ko hindi kasi ang tinutulungan natin dito ang mga business establishment. Alam niyo ba ang pinakamaliit na store ubos ubos (inaudible) dahil iyon ang mabenta,” sabi ni Cabrera.

Ang Mangaldan Town Fiesta & Pindang Festival ay gaganapin sa March 1 to 11.


Hangad ni Mayor Bona Fe D. Parayno ang kooperasyon at pakikiisa ng bawat sektor sa bayan sa mga inilatag na aktibidad sa piyestang ito.

Ang piyesta ay pinangasiwaan nina Advisor on Tourism and Information Officer Constantine B. Visperas, Chief Administrative Officer/HRMO/PESO Manager-Designate Helen A. Aquino, at Cabrera.

Dagdag pa ni Cabrera ang first prize ng raffle sa piyesta ay isang kotseng Toyota Avanza habang iyong ibang mga premyo ay mga tricycles na.

DAGUPAN CITY

Noong naging alkalde si Belen T. Fernandez, ang Dagupan Fiesta “Kalutan ed Dalan” Street Party ay pinagdidiwang sa Judge Jose de Venecia Highway Extension kung saan ito’y nagsisimula sa higanteng CSI Mall at dumaan sa kalsadang malapit sa Romantic Baboy, Cabalen, Tim Hortons, Conti’s, Wendy’s Bo’s Coffee, Kainan ni Mang Pepeng, Sidney’s Seafood, Dagupan City’s Common Terminal, Conrad’s, at iba pa.

Marami sa mga negosyong ito ay pag-aari ng pamilya ni Fernandez.

Noong naging alkalde si Brian Lim noong 2019 to 2022, ang Kalutan ed Dalan ay ginanap sa Dowtown Area na nasa puso ng lungsod mismo kung saan mas maraming tindahan ang nagbenepisyo.

“Mas kailangan ng mga negosyante ang ganiyang set – up dahil  maraming nalulugi sa kanila magmula ng bunkalin ng DPWH (Department of Public Works & Highway) ang kalsada sa Arellano Boulevard kung saan ito ay one way na at ayaw na ng mga tao pumasok sa lugar na iyon, “ ani ng isang kaibigan na ayaw ng magpakilala.

LINGAYEN

Ayon kay Lingayen Tourism Head- Designate Michelle Z. Lioanag gaganapin din ang nalalapit na Bagoong Festival sa capital town kung saan ang Kalutan ed Dalan ay sa paligid ng plaza kung saan malapit ang mga merkado.

“Gusto naming tulungan ang mga negosyante,” ani nito.

  Sinabi ni Lioanag na ang schedule ng kasiyahan sa March 14 ay Motorcade, Taway-Taway Cooking Competition, Lingayen Cooking Competition at Miss Gay Bagoong; sa March 15 ay Kid’s Fun Day, Free Tour to Bagoong Factories at Kalutan de Dalan; sa March 16 ay Grand Float Parade; Street Dancing Competition at Yugyugan ed Plaza.

No comments:

Post a Comment